GMA Logo SB19 group
What's Hot

P-pop boy group SB19, pasok sa listahan ng Teen Vogue para sa Favorite Boy Bands of All Time

By Aimee Anoc
Published July 20, 2022 12:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

SB19 group


Ang SB19 ang tanging Filipino group na napasama sa listahan kasama ang iba pang mga sikat na boy bands sa buong mundo.

May panibagong achievement abroad ang sikat na P-pop boy group SB19 matapos na mapasama sa listahan ng Teen Vogue para sa 33 Favorite Boy Bands of All Time.

Tanging ang SB19 lamang ang Filipino group na pasok sa listahan kung saan kasama nila ang K-pop superstars na BTS, SHINee, EXO, at BIGBANG, gayundin, ang ilan sa sikat na western groups na The Beatles, *NSYNC, Backstreet Boys, at Westlife.

Binubuo nina Josh, Pablo, Stell, Ken, at Justin ang limang miyembro ng SB19. Nagsimulang makilala ang grupo sa kantang "Go Up" na inilabas noong 2019.

Ang SB19 ang kauna-unahang Southeast Asian at Filipino group na napasama sa Billboard Music Award's Top Social Artist category noong 2021 kung saan nakalaban nila sa listahan ang sikat na K-pop groups na BTS, BLACKPINK, at SEVENTEEN.

Sila rin ang unang Filipino artists na nakapasok sa Billboard's Top Social 50 Artists noong 2020. Nito lamang Enero, record-breaking ang hit song nilang "Bazinga" matapos na manatili sa number one spot sa loob ng pitong linggo sa Billboard Hot Trending Songs chart kung saan naungusan nila ang "Butter" ng BTS.

MAS KILALANIN ANG P-POP BOY GROUP SB19 DITO: