GMA Logo P-pop girl group Xonara, Unang Hirit
Photo by: Screenshot from Unang Hirit
What's Hot

P-pop girl group Xonara, all-out sa kanilang unang live TV performance sa 'Unang Hirit'

By Aimee Anoc
Published May 28, 2026 4:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Reklamo nina Alfred at Yasmine Vargas laban kay Rob Sy at asawa nito, ibinasura ng piskalya
Gazini Ganados continues to represent Palestine at the MGI All Stars
Quezon City announced as Palarong Pambansa 2027 host

Article Inside Page


Showbiz News

P-pop girl group Xonara, Unang Hirit


"Super surreal ng feeling, ng moment na kaka-debut lang pala namin tapos ngayon nandito na kami sa TV." - Xonara member Tin

Mainit na sinuportahan ng fans ang unang live TV performance ng P-pop girl group na Xonara sa Kapuso morning show na Unang Hirit ngayong Huwebes, May 28.

Patunay rito ang pag-trend sa X ng hashtag na "TABIsaUnangHirit" at "RISE WITH XONARA."

All-out ang naging performance ng Xonara sa kanilang debut single na "Tabi" sa Unang Hirit, kung saan pinahanga nila ang viewers sa kanilang live vocals at dance skills.

Sa interview ng hosts na sina Lyn Ching at Kaloy Tingcungco, ipinarating ng grupo ang kanilang pasasalamat sa mainit na suportang natatanggap.

Matapos ang ilang taong training, opisyal na nag-debut ang Xonara noong May 16, kung kailan inilabas ang "Tabi."

"Sobrang puno ng pasasalamat po talaga 'yung mga puso namin. Kasi hindi talaga namin ini-expect, hindi rin kami makapaniwala na sobra pong nagsuporta 'yung mga tao sa amin at nagmamahal sa amin kahit bago pa lang kami," masayang sabi ni Megumi.

"Nafu-fuel pa 'yung passion namin and namo-motivate kaming gawin po 'yung mahal namin gawin dahil po sa inyo, so maraming, maraming salamat po," dagdag niya.

Ayon kay Tin, sobrang "surreal" sa pakiramdam na ilang araw pa lamang matapos ang kanilang debut ay nakapag-perform na sila sa TV.

"Actually po, super surreal ng feeling, ng moment na kaka-debut lang pala namin tapos ngayon nandito na kami sa TV. Kaya thank you so much po sa opportunity," sabi niya.

Ang Xonara ang unang girl group mula sa 1Z Entertainment, ang kompanyang itinatag ng Kings of P-pop SB19. Binubuo ang pitong miyembro nina Eurekah, Megumi, Namie, Ella, Dominique, Tin, at Lei.

Congratulations, Xonara!

RELATED GALLERY: Xonara makes a splash in solo member photos