GMA Logo family feud
What's on TV

P-pop group VVink at Rockwell PH dance crew, ipakikita ang galing sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published August 22, 2025 4:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada slows down as 4 Bicol areas under Signal No. 2
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

family feud


Abangan ang tapatan ng rising female P-pop group na Vvink at international award-winning dance crew na Rockwell PH mamayang 5:40 p.m. sa 'Family Feud!'

Youthful at energetic Friday episode ang mapapanood sa Family Feud sa paghaharap ng Vvink at Rockwell PH.

Ngayong Biyernes, August 22, ang Family Feud showdown ng rising female P-pop group at ng international award-winning dance crew. May inihanda pang special song performance ang Vvink at dance demo ang Dubai champions na Rockwell PH.

Bukod sa face-off ng Vvink at Rockwell PH, siguradong aabangan din ng mga home viewers ang "Guess More, Win More promo." Sa "Guess More, Win More promo," walong winners ang mananalo ng PhP10,000 araw-araw at isa ang may pagkakataong makapag-uwi ng PhP100,000 kada linggo sa Family Feud.

Ang Vvink (pronounced “wink”) ay ang five-member PPop girl group na nakilala sa viral hit na "Tulala."

Maglalaro sa Family Feud si Angelika Ortiz, ang composer ng Pantropiko na hit song ng BINI. Makakasama niya ang main vocalist na si Jean Flores; ang jill-of-all-trades ng grupo dahil sa kaniyang pagsayaw, pagkanta, rap, at pag-compose ng kanta na si Mariel Ong; at ang youngest member at half-Japanese artist na primary rapper ng Vvink na si Ayaka Takakuwa.

Vvink and Rockwell PH in Family Feud

Ang Rockwell PH naman ay ang homegrown dance group na nagwagi ng double gold sa Monster and Cell Divisions at silver sa Open Adult Division ng World Supremacy Battlegrounds sa Dubai, United Arab Emirates.

Ang mapapanood sa Family Feud ay ang founder na si Rhemuel Lunio, na kilala rin bilang si DJ Loonyo. Makakasama niya sa team si Jhuven Aguila na isang dance fitness instructor; Aira Casim, brand endorser and TV commercial model; at si Mannex Manhattan o Manhattan Pacquiao, na isa namang trader at businessman.

Abangan ang fun and fierce Friday feud ng Vvink at Rockwell PH sa Family Feud mamayang 5:40 p.m. sa GMA.

Ngayong Agosto, uulan ng saya at babaha ng papremyo sa Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network at Kapuso Stream. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa "Guess More, Win More" promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000!

Panoorin ito para sa paraan ng pagsali sa "Guess More, Win More promo":