GMA Logo Family Feud Aug 21 teaser
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

P-pop groups 1st.One at YGIG, magpapagalingan sa pagsagot sa 'Family Feud!'

By Maine Aquino
Published August 21, 2026 10:04 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Strong 6.7-magnitude quake strikes southern Peru — USGS
Man lands in hospital after fire razes home in Bacolod
Otherworld Festival Manila is happening this November

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud Aug 21 teaser


Narito ang exciting na magaganap sa tapatan ng 1st.One at YGIG sa 'Family Feud' ngayong August 21.

P-pop Friday ang aabangan sa 'Family Feud' dahil bibisita ang 1st.One at YGIG!

Bukod sa kanilang tapatan sa 'Family Feud' stage ngayong August 21, may special impromptu production number din ang YGIG at 1st.One kung saan ipapakita nila ang kanilang matitinding vocals, rap, at dance skills.

Ang YGIG o “You Go, I Go” ay binubuo nina Vien Corpuz, Hazelyn Dequit, Jewel Anacay, at Maeg Medina. Nag-debut ang YGIG noong November 2022 sa pamamagitan ng single na “Shaba Shaba.”

Nagkaroon naman ng major milestone ngayong 2026 ang grupo matapos silang mapabilang sa Billboard Philippines P-pop Class of 2026.

Si Vien ang vocalist at rapper ng grupo at kilala rin bilang kanilang “Passion.” Bukod sa pagiging mahusay sa stage, siya rin ang isa sa mga nagsisilbing leader ng grupo. Samantala, si Hazelyn ang tinatawag na “Dream" ang nagbibigay ng sweet at emotional touch sa kanilang performances.

Kasama rin si Jewel, ang kanilang “Light,” na kayang kumanta, sumayaw, at mag-rap. At siyempre, hindi mawawala ang bunso ng grupo na si Maeg, ang kanilang “Charm” at resident visual.

Family Feud

PHOTO SOURCE: Family Feud

Makakaharap nila ang P-pop boy group na 1st.One. Nag-debut ang 1st.One noong 2020 sa kantang “You Are The One (Ttak Maja Nuh)” at nakabuo na rin ng loyal fanbase. Sila naman ang unang Filipino act na nag-perform sa Seoul Music Awards.

Pinangungunahan ito ng leader at main vocalist na si Ace, isang beteranong performer na nag-represent ng Pilipinas sa KBS K-pop World Festival bago naging bahagi ng grupo. Kasama niya sina Alpha, ang main rapper at dancer na kilala sa kanyang high-energy performances, at J na nagsisilbing lead rapper ng grupo.

Kumukumpleto sa lineup ng 1st.One si Max, ang main vocalist at lead dancer. Bilang dati siyang dance instructor, malaking tulong ang kanyang experience sa paggawa at paghasa ng kanilang synchronized choreography.

Abangan ang exciting na fresh episode ng 'Family Feud' ngayong August 21, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng 'Family Feud'! Manood lamang ng 'Family Feud' para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa 'Family Feud' para sa kabuuang detalye.