GMA Logo Family Feud
What's on TV

P-Pop groups FINIX at G.A.T, may showdown sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published September 2, 2025 2:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Illegal turning, unattended illegal parking among top 5 traffic violations in 2025
Pagtulong ng GMAKF sa mga nilindol sa Caraga, nagpatuloy sa kabila ng panibagong pagyanig | 24 Oras
P22,000 cash, laptop lost to burglar in Iloilo City

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Abangan ang pagalingan ng P-Pop groups na Finix at G.A.T. mamayang 5:40 p.m. sa 'Family Feud'

P-Pop showdown ang aabangan natin ngayong Martes sa Family Feud!

Ngayong September 2, maghaharap ang freshest P-pop groups na FINIX at G.A.T. sa pagsagot ng top answer. May kaabang-abang din silang performance ng kanilang latest singles.

Ang all-female group na FINIX ay may seven members. Ang apat na maglalaro sa Family Feud ay ang main rapper, lead dancer, and sub-vocalist Aki Novicio; main dancer Rikka Barba; lead vocalist Tris Cueto; at lead rapper Zia Pasion.

Family Feud

Maglalaro naman sa all-male P-Pop group na G.A.T. o Gawang Atin 'To ay si Ethan David, Michael Keith na isa sa mga songwriters and producers; Hans Paronda, ang main dancer and singer; at si Derick Ong, ang vocalist na naglaro rin ng hockey sa Philippine national team.

Gabing puno ng exciting performance at pagalingan sa pagsagot ang aabangan ngayong September 2 sa Family Feud!

Subaybayan ang fresh episode ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000! Panoorin ito para sa paraan ng pagsali sa Guess More, Win More promo: