
Kilala si John Arcilla bilang isa sa mga mahuhusay na aktor sa telebisyon at pelikula.
Kahit anong role na ginagampanan niya, marami ang humahanga sa kanyang talento at dedikasyon bilang artista.
Isa sa mga karakter na nakilala siya ay ang matapang na bayani na si Heneral Luna. Naging iconic ang kanyang role dahil sa kanyang talento na kayang takutin ang mga manonood sa pamamagitan lang ng facial expressions at pinapakitang tindig on camera.
Ngayon, gumaganap muli bilang kontrabida si John sa GMA Prime series na Lolong: Bayani ng Bayan, kung saan parehas madalas makikitang galit at matapang ang kanyang karakter.
Sa isang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda, ibinunyag ni John ang sekreto kung paano niya nanatiling intense ang kanyang mga eksena.
Ayon kay John, inspirasyon niya ang kanyang mga magulang at ginagamit ang kanyang karanasan noon sa bahay nila.
"Iyon siguro sa family namin ganoon," paliwanag niya. "May ganoon kaming klaseng intensity sa bahay na kahit hindi ka nagsasalita, minsan 'pag alam mong galit ang parents mo, ang mother mo, 'yung tatay mo kahit hindi nagsasalita, nanginginig ka na lang. [Mapaisip ka], 'Ano'ng sasabihin niya pag-uwi ko?' Or kahit hindi siya nagsasalita, 'Ano'ng sasabihin mamaya?'"
Dagdag niya, "Siguro din sa kinalakihan ko nga sa family. Kung paano kami mag-express ng emotion from the elders, at tsaka sa mga matanda pa sa parents ko. Kasi ganoon din 'yung kanilang karanasan."
Related gallery: Kapuso actors na gumanap bilang kontrabida:
Bilang beteranong aktor, masaya si John na makasama at makatulong sa young aspiring actors sa showbiz.
Sa usapang mentorship, handa naman daw si John na magbigay ng suggestions sa tuwing nagtatanong ang ibang stars.
"Hindi ako nag-i-invade ng isang tao kung, 'Ah! Kailangan niya ng tulong,' hindi,e. Kailangan kong maramdaman na open siya doon or gusto niyang makakuha ng idea from me. Pero kung hindi, hindi ako magta-try or hindi ako mag-i-invade ng space ng isang tao."
Kasama si Martin del Rosario, binibigyan nila ng buhay ang kanilang villain roles sa Lolong: Bayani ng Bayan. Ayon sa kanila, nagiging epekto ang kanilang duo dahil sinisigrado nilang balance ang chemistry ng kanilang mga karakter