GMA Logo Ashley Ortega
What's on TV

Pagbabalik ni Ponggay sa ice rink, inaabangan ng 'Hearts On Ice' viewers

By Aimee Anoc
Published May 22, 2023 4:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pinoys attend Simbang Gabi at St. Peter's Basilica officiated by Cardinal Tagle
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega


"Grabe ang message ng teleserye at ni Ponggay--to never lose your dream, keep believing and God will do the rest. Goosebump sa teaser," reaksyon ni Ryan De Gracia.

Marami na ang nag-aabang sa pagbabalik ni Ponggay (Ashley Ortega) sa ice rink matapos na sundin nito ang kagustuhan ng ina na mag-quit na sa figure skating.

Sa teaser na inilabas ng Hearts On Ice ngayong Lunes (May 22), ipinasilip ang deal na ibinigay ni Enzo (Xian Lim) kay Ponggay para huwag nito sukuan ang pangarap.

Mapapanood din ang pagsayaw ni Ponggay sa ice rink, na nangangahulugan ng pagsali nito sa kompetisyon.

Ilan sa komento ng netizens, "Teaser pa lang pero nakakadurog na," "Grabe, teaser pa lang naiiyak na ko sa yakap ni Libay kay Ponggay," "Ang ganda, excited ako mamaya."

Samantala, muling humataw sa ratings ang Hearts On Ice noong Biyernes (May 19). Nakakuha ng 9.3 percent ang episode 48 nito base sa Nutam People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.

Patuloy na subaybayan ang 'Hearts On Ice,' Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.

TINGNAN ANG LAST TAPING DAY NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: