GMA Logo Sine Mo To
Photo by: @itsShowtimeNa X
What's on TV

Pagbalik ng 'Sine Mo To' sa 'It's Showtime,' trending online

By Kristine Kang
Published March 4, 2025 3:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Sine Mo To


Wish Granted! Dahil ibinalik na ang 'Sine Mo To' sa fun noontime show!

Certified It's Showtime coded ang Martes (March 4) ngayon ng madlang Kapuso dahil puno na naman ng bardagulan at tawanan ang FUNanghalian nito!

Sa umpisa pa lang ng noontime show, todo energy na ang hosts at madlang people sa pagsayaw at pag-party.

Hindi rin nagpahuli si Vice Ganda sa pagbibigay muli ng saya at makabuluhang aral sa pagbabalik ng segment na "Quiz V." Sa hangaring makasagot nang tama at manalo ng premyo, naging pursigido ang audience sa pag-research tungkol sa gobyerno, literatura, at kultura ng bansa.

Bukod sa katuwaan, nagbigay rin ng mahalagang tulong ang segment tungkol sa kasalukuyang edukasyon ng mga bata ngayon.

Pero ang pagbigay ng regalo ay hindi natapos dito dahil may isa na namang sorpresa ang It's Showtime sa madlang people.

"Actually kahapon, may ila-launch dapat kami na segment. Pero ewan ko siguro may rason kung bakit hindi siya na-launch," sabi ni Vice. "Tapos binabasa ko 'yung comments. Sobrang nag-enjoy 'yung madlang people sa comment section sa lahat ng naganap na random. Sabi nila, 'Iyan ang nami-miss namin.'"

Dagdag niya, "So since iyan ang gusto n'yo, ibigay natin ulit today. Dahil oras na para tayo ay maging artista. Heto ang na-miss ninyo. Lights, camera, action!"

Pagka-roll ng VTR o bidyo, ibinunyag ng programa na ibinalik na rin nila ang iconic at masayang segment na "Sine Mo To."

Marami ang nais mapanood ulit ito sa telebisyon. Hindi lang dahil puno ng adlib at kulitan sa pag-aarte ng mga host, kundi isasalli rin nila ang ilang lucky madlang people sa kanilang skit.

Ang pagbabalik ng segment ay mabilis na nag-trend online. Umabot pa ito sa top 3 trending list sa X (dating Twitter) na #ShowtimeForTheVibes at #ShowtimeMarsoferSaya.

Marami rin netizens ang nagbigay ng positive reviews at exciting post sa social media, lahat nagpakita ng galak at excitement sa pagbabalik ng segment.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.