
Isang masayang comeback ang naganap sa noontime program na It's Showtime matapos muling bumalik sa studio ang minamahal na Asia's Multimedia Superstar, Anne Curtis!
Sa unang Lunes ng buwan (June 2), mainit siyang sinalubong ng It's Showtime family at ng mga madlang people na sabik na sabik sa kanyang pagbabalik.
Suot ang isang very stylish and cool getup, proud na ipinakita ni Anne ang kanyang bagong look at hairdo. Ngunit higit pa sa kanyang hitsura, ang muling pagkikita ng hosts ay punong-puno ng asaran at kulitan sa reunion, na tila walang nagbago sa kanilang samahan.
"Ako talaga ito at na-miss ko talaga ang saya at energy at na love, na love, na love kong madlang people at syempre kayo guys. Miss ko kayo," masayang bati ni Anne.
Ang kanyang bestie at ang Unkabogable Star na si Vice Ganda ay tuwang-tuwang makasama siyang muli. Sa sobrang sabik, nagplano pa sana sina Vice, Jhong Hilario, at Vhong Navarro na i-prank si Anne sa kanilang dance number. Pero sa huli, ang komedyante pa mismo ang nakalimot ng dance steps!
"Sabi sa dressing room,' Huwag natin tuturuan si Anne. 'Di niya inabot 'yung dance. Pagpasok ko [sa studio], tinuturuan niya si Anne," bungad ni Vice tungkol kay Vhong. "Sa iyo 'yung ideya. hindi nga namin tinuruan. Ang ending siya 'yung mabait."
"Ikaw pa may balak. Kanina mo pa ako linalaglag. Opening pa lang a," hirit ni Anne.
" 'Di ba tinuruan nga kita?" tugon naman ni Vhong.
Hindi lang kulitan ang nangibabaw, kundi pati mga insightful na pahayag ni Anne at Vice tungkol sa pag-ibig at ilang social issues. Kabilang dito ang viral na litrato ng isang taong nasa kanal, ay nakatawag pansin sa viewers.
At syempre, hindi rin mawawala ang iconic moments ni Anne, tulad ng pagbasa niya ng mga hindi pangkaraniwang salitang Tagalog--na lalong nagpapaaliw sa madlang people.
Ang pagbabalik ni Anne Curtis ay agad na nag-trending sa X (dating Twitter), at pinag-usapan ng libo-libong fans online.
Welcome back to showtime dyosa miss @annecurtissmith
-- James Henrich (@jameshenrich_) June 2, 2025
yahooooo , she's back #ShowtimeNasaAnne
-- 💜Ako si JAN💜 (@jakile_pexer) June 2, 2025
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Balikan ang pagbabalik ni Anne Curtis sa It's Showtime, dito: