GMA Logo SB19 on It's Showtime
photo by:@itsShowtimeNa X
What's on TV

Pagbisita ng SB19 sa 'It's Showtime,' nag-trend online

By Kristine Kang
Published March 10, 2025 3:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ysabel Ortega, nagtampo nang mag-solo trip si Miguel Tanfelix sa South America?
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

SB19 on It's Showtime


It's so much fun this March on 'It's Showtime' kasama ang SB19!

Mas pinainit pa ang fun noontime program stage noong Sabado (March 8) nang bumisita ang Kings of P-pop na SB19!

Marami ang naghiyawan sa tuwa nang nag-perform ang grupo ng kanilang bagong hit song na "DAM." Mula sa choreography, live vocals, hanggang sa mismong set design, napahanga ang lahat sa kanilang level-up performance on stage.

Nagpasalamat naman ang SB19 sa mainit na pagtanggap ng madlang people sa kanila. Hindi rin nila kinaligtaang magpasalamat sa Unkabogable Star na si Vice Ganda.

"Si Ate Vice talaga simula noong nakilala namin talaga, super supportive until now. Talagang sabi namin, 'Ate Vice, baka pwedeng mag-promote sa It's Showtime?'" kuwento ni Stell. "Maraming-maraming salamat po Ate Vice for having us here sa It's Showtime stage. Talagang malaking opportunity ito para mas mapakilala pa po 'yung SB19 kaya maraming-maraming salamat po."

Labis din nagpasalamat si Vice na makasama muli ang P-pop group sa programa. "But seriously it's a huge, huge privilege, honor, and delight na nandito kayo sa It's Showtime stage. Masayang-masaya kami na nagkakagulo sa kaligayahan ang madlang people tuwing pinapanood kayo mag-perform. Ang sarap sa pakiramdam na makasaksi ng ganitong uri ng talento ng mga Pilipino. Kaya hindi nakakapagtaka na kayo 'yung King of P-pop," pagpuri ng comedian.

Bukod sa kanilang world-class performance, nakipagkulitan din ang SB19 sa masayang segment ng "Ansabe." Sa bilisan ng hula, nanalo ang team nina Jhong Hilario kasama sina Pablo at Justin. Samantalang sina Stell, Ken, at Josh ay game na game ring sumama sa asaran at paglusot bilang losing team.

"Naglalaro talaga SB19, o!" pansin ni Teddy Corpuz nang nagkukulitan na ang P-pop group.

"Bakit humaba na 'yung pila?" tanong ni Karylle nang pumila na rin sina Stell at Ken habang lumulusot si Josh. "Sila-sila na iyon, Vice. Wala na tayo kinalaman diyan."

Ang kanilang pagbisita at kulitan sa studio ay nag-trend online sa iba't ibang social media platforms. Marami ang natawa sa bardagulan ng grupo kasama ang mga host, pati na rin ang kanilang cute moments on screen.

Ang hashtag #SB19DAMonItsShowtime umabot sa top trending list sa X (dating Twitter) at umabot ng more than 15, 000 views ang kanilang nakakatawang clips sa YouTube.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Balikan ang performance at kulitan ng SB19 sa It's Showtime sa video na ito: