
Puspusan na ang paghahanda ng ilang GMA Executives at committee para sa gaganaping GMA Thanksgiving Gala ngayong July 30 sa Shangri-La The Fort.
Sa "Chika Minute" report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, muling bumisita kahapon, July 14, ang organizers sa venue kasama ang kilalang stylist na si Gideon Hermosa na siyang gagawa ng kakaibang look ng grand ballroom ayon sa tema ng gala na old Hollywood glam.
Nagbigay naman si Gideon ng mga dapat asahan sa transformation ng nasabing venue.
Aniya, "The elements that we will be using with this one will be lots of crystals, definitely lots of [light bulbs], puro ilaw, maraming ilaw, mga Marquee lights ganyan tapos definitely we will have ostrich feathers tapos anything sparkly."
Nagkaroon na rin ng food tasting ang ilang opisyal ng Sparkle na sina Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara, AVP for Talent Management Group Joy Marcelo at Consulting Head for Talent Imaging and Marketing Lawrence Tan.
Isang special menu para sa full course meal ang inihanda ng executive chef ng hotel para sa mga dadalo dito.
Ang GMA Thanksgiving Gala ay magsisilbi ring fundraising event na bahagi ng selebrasyon ng ika-72 taong anibersaryo ng GMA Network.
"Nagpapasalamat tayo sa Diyos kasi ang daming blessing ang natanggap natin.
"Importante rin sa atin ito kasi we're trying to raise funds for the Kapuso Foundation kasi ido-donate natin ito para sa pagpapagawa nila ng paaralan sa Southern Leyte," pagbabahagi ni Ms. Gigi.
SAMANTALA, BAGO ANG INAABANGANG GMA THANKSGIVING GALA, BALIKAN MUNA ANG NAGING KASUOTAN NG MGA KAPUSO STARS NA DUMALO SA INDEPENDENCE FASHION BALL SA GALLERY NA ITO: