
Suportado ng fans ng GMA Afternoon Prime musical drama series na Born to Shine ang pagpasok ni Jeni (Zephanie) sa kanyang solo era.
Matatandaang nasangkot si Jeni at ang kanyang mga magulang na sina Minchie (Manilyn Reynes) at Perry (Smokey Manaloto) sa isang eskandalo nang ibulgar ni Chikanene (Inah Evans) na anak ni Dio Halari (Rayver Cruz) si Jeni.
Lalo lang pinalala nina Dara (Vina Morales) at Megan (Olive May), ang asawa't anak ni Dio, ang sitwasyon nang sabihin nilang wala silang alam at nagulat lang din sila sa balita.
Nakatanggap ng matinding bashing si Jeni at dahil dito, ilang endorsements at supporters na ang umalis, dahilan para magdesisyon si Monica (Roselle Nava) at ang Astra M na bigyan ng hiatus si Jeni.
Dahil hindi nagustuhan ni Minchie ang trato kay Jeni at para maprotektahan na rin ang kanyang anak, tuluyan na niyang inalis si Jeni sa YUMI at sa poder ng Astra M.
Ngunit sa kabila ng nagsarang pinto, isang bagong oportunidad ang nagbukas para kay Jeni nang lumapit sa kanya ang dating P-Pop bootcamp coach na si Vanna Grande (Sheryl Cruz) at alukin siya na pumasok sa kanyang agency bilang isang solo artist.
BALIKAN ANG SPARKLING SHOWBIZ CAREER NI ZEPHANIE SA GALLERY NA ITO:
Full support online ang fans ng show sa pagso-solo ni Jeni, at sinabing tama lang ang desisyon nito na iwan na lang ang YUMI. Ilang fans din ang humiling na sana, makuha pa ni Jeni ang ilang miyembro ng grupo tulad nina Yuna (Mitzi Josh), Nancy (Gaea Mischa), at Alfea (Naya Ambi).
“Mas mabuti pang solo ka na lang, Jeni. Thanks, Coach Vana,” sabi ng isang netizen.
"Makakatayo rin ulit si Jeni," komento naman ng isa pa.
"Grabe sana umangat na si Jeni muli," sabi naman ng isa pa.
"Yehey, I'm so excited na. Go, Jeni, kalabanin mo si Megan," sabi ng isa pang netizen.
Sabi ng isa pang netizen, "Pasabog talaga ang solo ni Jeni. Sigurado, hindi naman makakahinga ang Megan na 'yan."
May ilang netizens din na pumuri kay Minchie para sa pagtatanggol niya sa anak, “Props to Minchie on this episode, na kahit na ang daming nyang mali nung una, at talagang eskandalosa, this time, nakita ko kung gaano nya kamahal si Jeni at sa pangarap nito. Nakita ko ang isang ina na ipinaglaban ang anak sa mga tao na kagaya ni Monica.”