
Trending ngayon sa social media ang guest appearance ni Herlene Budol sa Fast Talk With Boy Abunda noong Miyerkules, March 5.
Hinangaan ng netizens ang pagpapakatotoo ni Herlene tungkol sa mga kritisismong ibinabato sa kanya gaya ng pagtawag sa kanya ng "bobo," bagay na inamin niyang masakit para sa kanya.
Komento ng isang Fast Talk With Boy Abunda viewer sa Facebook, "I love Herlene. 'Di s'ya plastik na tao."
Ganito rin ang opinyon ng isang netizen tungkol sa personalidad ni Herlene. Ika niya, "Honest s'ya masyado sa self n'ya. Mapanakit lang talaga ang ibang tao magsalita haizt."
Bukod pa rito, sinasabihan din daw siya ng mga tao na "jologs", isang terminong kolokyal na ibig sabihin ay cheap, out of fashion, o mula sa lower class.
Tanggap naman daw ni Herlene na isa siyang "jologs" dahil ito ang nakalakihan niya.
Sa kabila nito, willing daw siyang pagbutihin ang kanyang sarili dahil sobrang "patay-gutom" siyang matuto.
Marami naman ang nagtanggol kay Herlene mula sa kanyang bashers.
Sabi sa isang komento, "Naku naman mga basher. Ano naman kung hindi marunong mag-English, bobo agad? Natural lang sa atin mag-Tagalog dahil Pilipino tayo...pero kung achievement ang pag-uusapan, ang layo na ng narating ni Herlene Budol kumpara sa mga taong feeling matalino..."
Panoorin ang guest appearance sa Fast Talk With Boy Abunda sa video sa itaas.
Napapanood si Herlene sa GMA Afternoon Prime series na Binibining Marikit. Ipinapalabas ito mula Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., sa GMA at Kapuso Stream.
Related gallery: LOOK: Career highlights of Herlene Budol