
Nakapagpalit na ng katawan sina Lucy at Farrah sa seryeng Stolen Life.
Dahil sa astral projection, tuluyan nang nagbago ng karakter sina Carla Abellana at Beauty Gonzalez sa tinututukang GMA Afternoon Prime series.
Ngayong December 13, ginawa na ni Farrah (Beauty) ang plano niyang makipagpalit ng buhay sa kanyang pinsang si Lucy (Carla). Bukas (December 14), ipapakita naman kung ano ang gagawin ni Lucy para makabalik sa kanyang asawang si Darius (Gabby Concepcion).
Sa social media ay inilahad ng mga manonood na ito ang kanilang pinakaaabangang bahagi ng kuwento ng Stolen Life.
Saad ng isang netizen, "Maraming ma stress pag nag switch na sila ng katawan pero ako hindi mas excited pa nga hahahah dahil sa wakas makikita na natin paano mag roll eyes at hair flip si Carla Abellana. Sana magaya tlga ni Carla mga mannerisms ni Farrah."
Ayon naman sa isang manonood ng Stolen Life, "It's time to switch characters (Lucy as Farrah (Carla), Farrah as Lucy (Beauty)"
Nagbahagi naman ng reaksyon ang isang netizen sa kuwento ng serye. Komento niya sa Stolen Life, "Sad for lucy but happy for carla because she is going to play farrah in the near episodes. kontrabida naman si carla A, then si beauty magiging si lucy."
PHOTO SOURCE: YouTube
Abangan ang mga magaganap ngayong nagkapalit na sina Lucy at Farrah sa Stolen Life. Tutukan ang gumaganda mga eksena ng Stolen Life sa GMA Afternoon Prime at Pinoy Hits, Lunes hanggang Biyernes 3:20 p.m. Mapapanood din ang Stolen Life online sa Kapuso Stream.
Samantala, balikan ang cast ng Stolen Life dito: