GMA Logo pokwang and kevin dasom on binibining marikit
What's on TV

Pagpasok nina Pokwang at Kevin Dasom sa 'Binibining Marikit,' inaabangan!

By Jansen Ramos
Published March 20, 2025 9:12 AM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

pokwang and kevin dasom on binibining marikit


Umabot na sa 1 million Facebook views ang teaser ng 'Binibining Marikit' para sa mga bagong karakter sa serye na gagampanan ni Pokwang at ng Thai-Irish actor na si Kevin Dasom.

Kaabang-abang ngayong linggo ang mga tagpo sa GMA Afternoon Prime series na Binibining Marikit dahil sa pagpasok ng dalawang bagong karakter na gagampanan ni Pokwang at ng Thai-Irish actor na si Kevin Dasom.

Sa katunayan, viral sa social media ang weekly hype plug ng programa matapos itong makakuha ng mahigit one million views noong nakaraang weekend sa official Facebook page ng GMA Drama.

Sa nasabing teaser, mapapanood ang pagpunta ni Ikit (Herlene Budol) sa Japan kung saan niya makikilala ang kapwa niya Pinay na si Mayumi (Pokwang) na tutulong sa kanya.

Ipinakita rin dito ang pagtatagpo sa isang party ni Ikit at ng isang foreigner (Kevin Dasom) na aakalain niyang si Viktor, ang pinaniniwalaan niyang nang-scam sa kanya.

Sinampal agad ni Ikit ang lalaki, na ikakagalit ni Mayumi.

Ano kaya ang relasyon ni Mayumi at ng binatang foreigner? At malaman na kaya ni Ikit kung sino ang tunay na scammer?

Panoorin sa Binibining Marikit weekdays, 4:00 p.m., pagkatapos ng Mommy Dearest sa GMA at Kapuso Stream.