
Sa episode 166 ng Kambal, Karibal, sinamantala ni Black Lady (Roence Santos) ang kahinaan ni Diego (Miguel Tanfelix) at sinaniban niya ito habang mahimbing ang tulog ng binata.
Ginawa ito ng masamang espiritu dahil sa kagustuhang pag-awayin lalo ang magkakambal na sina Crisan (Bianca Umali) at Crisel (Pauline Mendoza).
Nang lapitan ni Diego si Crisan habang nasa eskwelahan, hindi naging kumportable ang dalaga at nanibago sa mga ikinikilos ng binata.
Ganito rin naman ang naramdaman ni Crisel nang lambingin siya ni Diego. Ngunit sa kabila nito, tila natuwa pa siya sa inasal ni Diego dahil sa paniniwalang nagkakagusto sa kanya ang huli.
Panoorin ang mga eksena iyan sa video sa itaas. Kapag hindi ito naglo-load nang maayos, maaaring mapanood ang episode highlights DITO.
Ang muling pagpapalabas ng Kambal, Karibal ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.
Patuloy na subaybayan ang hit 2017-18 series Lunes hanggang Huwebes, pagkatapos ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) sa GMA Telebabad.
Samantala, maaaring mapanood ang aired full episodes ng Kambal, Karibal at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.
Ang Kambal, Karibal ay pinagbibidahan nina Bianca Umali, Pauline Mendoza, Miguel Tanfelix, at Kyline Alcantara.
Tampok din dito ang mga batikang aktor na sina Carmina Villarroel, Jean Garcia, Christopher De Leon, Marvin Agustin, Alfred Vargas, Gardo Versoza, at Ms. Gloria Romero.
Kabilang din sa supporting cast ng programa sina Jeric Gonzales, Chesca Salcedo, Rafa Siguion-Reyna, Eliza Pineda, Sheree, Miggs Cuaderno, at Raquel Monteza.