
Marami ang tumutok sa pair skating performance nina Ashley Ortega at two-time Winter Olympian Michael Martinez sa Hearts On Ice.
Noong Biyernes (May 12), nakapagtalaga ng 9.4 percent na ratings ang 43rd episode ng Hearts On Ice base sa NUTAM People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.
Umani ng papuri mula sa manonood ang nakamamanghang ice performance na ito nina Ashley at Michael. Nag-trend din sa Twitter Philippines ang hashtag ng episode na ito na "Proud Moment" at maging ang pangalan ni "Ponggay."
On Top si Ponggay at yrending na din ang #HOIProudMoment !!!! pic.twitter.com/D5Q6BHIZir
-- L30j79 (@L30j791) May 12, 2023
Ashley Ortega is such a fine young actress with an amazing talent in figure skating. Fave actress ko na talaga sya!!!
-- Maya RedRocks (@MayaRedrocks) May 12, 2023
Ang galing ng opening Michael Martinez 🌟 #HEARTSONICE #HOIPROUDMOMENT https://t.co/HtVsjqgBEa
-- Brigitte Nicole💜 (@detectivebree) May 12, 2023
I must say that this is a top tier episode so far. Kudos to the whole #HeartsOnIce team! #HOIProudMoment
-- ᜆᜓᜈᜒᜆ᜔ ᜇᜒ ᜊᜒᜇ 😀SMILEY of CHARLOTTE🐰 (@tdeveraV2) May 12, 2023
Sa 43rd episode ng Hearts On Ice, tinupad ni Ponggay (Ashley) ang pakiusap sa kanya ni Monique (Roxie Smith) na siya na lamang ang pumalit sa kanya bilang makakapareha ni Michael Martinez.
Laking gulat naman ni Yvanna (Rita Avila) nang si Ponggay ang makita sa ice rink at hindi ang anak na si Monique. Kaya naman agad niyang hinanap ang anak at pinagbuhatan ng kamay.
Ganoon na lamang din ang pagtataka nina Libay (Amy Austria) at Ruben (Lito Pimentel) nang si Ponggay ang nakita sa ice rink. Isang "proud moment" naman ito para kay Libay na mapanood ang anak kasayaw ng two-time Olympian.
Matapos ang performance, agad na pinuntahan ni Libay ang anak at dito na niya naabutan ang nakaambang pananakit ni Yvanna kay Ponggay. Agad namang napigilan ni Libay si Yvanna at dito na niya nalaman na anak ng huli si Monique.
Patuloy na subaybayan ang Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8: 50 p.m., sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.
TINGNAN ANG FIGURE SKATING EXHIBITION NINA ASHLEY ORTEGA AT SKYE CHUA SA MEDIA CONFERENCE NG HEARTS ON ICE DITO: