GMA Logo Michael Martinez
What's on TV

Figure skating performance ni Michael Martinez sa 'Hearts On Ice,' nag-trend online

By Aimee Anoc
Published April 4, 2023 1:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Michael Martinez


Inabangan ng manonood ang first appearance ni two-time Winter Olympian Michael Martinez sa 'Hearts On Ice.'

Talaga namang inabangan ng manonood ang unang paglabas ni two-time Olympian Michael Martinez sa Hearts On Ice, na agad na nag-trend online!

Nag-trend sa Twitter Philippines ang hashtag na "HOIAuditionDay," kung saan hinangaan ng netizens ang patikim na Olympic moves ni Michael sa Hearts On Ice.

Noong Lunes, April 3, isang kahanga-hangang figure skating performance ang ipinamalas ni Michael sa pagsisimula ng audition para sa makakapareha niya sa isang ice show.

Dito ipinakita ni Michael ang ilan sa mahihirap niyang Olympic moves at tricks na talaga namang hinangaan maging ng kapwa niya figure skaters at ng manonood.

Matapos ang pagpapakitang-gilas ni Michael, simula na rin ng kompetisyon para kina Ponggay (Ashley Ortega), Monique (Roxie Smith), Sonja (Skye Chua), at ng iba pang mahuhusay na figure skaters. Sino kaya sa kanila ang mapipiling makapareha ni two-time Olympian Michael Martinez?

Abangan iyan ngayong Martes sa Hearts On Ice, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.

KILALANIN ANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: