GMA Logo Joshua Dionisio and Barbie Forteza in Stairway To Heaven
What's on TV

Pamamaalam ni Cholo kay Jodi sa 'Stairway To Heaven'

By Jansen Ramos
Published May 22, 2020 1:12 PM PHT
Updated May 22, 2020 2:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Haze in Crete island caused by sand dust from Sahara
Flood-resistant building na ipinatayo ng GMAKF sa Malitbog E.S., pinasinayaan | 24 Oras
Maalinsangang panahon, asahan sa mga nalalabing araw ng Semana Santa | One North Central Luzon

Article Inside Page


Showbiz News

Joshua Dionisio and Barbie Forteza in Stairway To Heaven


Nangako sina Cholo at Jodi na hindi nila kakalimutan ang kanilang pagkakaibigan kahit pa malayo na sila sa piling ng isa't isa.

Sa ika-apat na episode ng Stairway To Heaven, nagpaalam na si Cholo (Joshua Dionisio) kay Jodi (Barbie Forteza) dahil pupunta na siyang Amerika para mag-aral.

Nanangako sila na hindi nila kakalimutan ang isa't isa kahit na matatagalan ang pagbalik ng una.

Sa pag-alis ng kanyang matalik na kaibigan, nais ni Jodi na makita si Cholo sa huling pagkakataon ngunit ikinulong muli siya nina Maita (Jean Garcia) at Eunice (Joana Marie Tan) sa bodega.

Naalarma si Tristan (Jake Vargas) sa pagmamalupit ng kanyang ina at kapatid kay Jodi kaya hinayaan niya itong makalabas mula sa pagkakakulong.

Sa tulong niya, pinuntahan ni Jodi si Cholo sa airport bago pa man ito makalipad para magpaalam.

Balikan ang mga eksenang 'yan dito:

Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2009 drama series Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.