GMA Logo Shuvee Etrata, Klarisse De Guzman, Will Ashley, Mika Salamanca
Photo by: mikslmnc IG
What's Hot

Pamilya De Guzman, grateful sa nabuong 'genuine' na samahan

By Kristine Kang
Published May 5, 2026 4:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Razon's Primelectric to replicate Negros Power feats in SOCOTECO II bid
Janno Gibbs returns to GMA Music with new single 'Pinay Pa Rin'
Fire displaces over 40 families in CDO

Article Inside Page


Showbiz News

Shuvee Etrata, Klarisse De Guzman, Will Ashley, Mika Salamanca


Puno ng pagmamahal at pasasalamat ang Pamilya De Guzman!

Isa na namang masaya at nakakaantig na kuwentuhan ang ibinahagi ng Pamilya De Guzman (PDG) online.

Sa second part ng kanilang vlog, muling binalikan nina Klarisse De Guzman, Mika Salamanca, Will Ashley, at Shuvee Etrata ang matibay nilang samahan na nabuo sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Nang tanungin tungkol sa kanilang mga realization matapos lumabas sa Bahay ni Kuya, inamin ng apat kung gaano nila na-miss ang panahong magkakasama sila nang matagal.

"Noong nasa loob kami ng bahay, we have all the time to be together. Nandoon na kami para sa isa't isa," ani Shuvee.

"Tapos paglabas namin, biglang may kanya-kanya na lang pala kaming buhay. May kanya-kanya na palang diskarte kung paano gawin itong karerang 'to... 'Yun 'yung realization ko na kahit ano'ng miss ko sa inyo, mahirap na kayong [hagilapin] o mabuo ulit."

Tumatak din kay Shuvee kung paano naging lakas niya ang Pamilya De Guzman sa pagharap sa mga hamon sa buhay.

"Ang daming noise sa labas na parang sometimes you let it consume you. Kasi parang kung ano ang sinasabi nila na parang pumapasok sa utak mo. Tapos parang 'Ah, baka ganoon 'yung totoo,'" dagdag niya.

"Ta's you rely on your experiences sa loob. Nabuo talaga 'yung totoong relasyon. 'Yung pagmamahal nandoon talaga sa inyo, kahit ano'ng gawin ko. "

Samantala, inamin ni Will na inakala niyang magbabago ang kanilang grupo paglabas ng reality show. Ngunit labis ang kanyang pasasalamat na nanatili itong solid.

"Pero 'yung napansin ko paglabas natin, parehong-pareho siya. So mas doon ko napatunayan na parang genuine talaga 'yung pinagsamahan natin sa loob at kung paano ko kayo nakilala sa loob, ganoon talaga kayo sa totoong buhay kahit walang camera," kuwento ni Will.

Para kay Klarisse, isa ring malaking biyaya ang pagiging bahagi ng kanilang grupo.

"I just discovered na ang galing n'yong lahat and sobrang blessed kong nakilala kayong lahat. Naging part ako ng buhay n'yo. Naging part kayo ng buhay ko," sabi niya.

Dagdag pa ni Klarisse, ang kanilang samahan ang nagsilbing lakas nila sa pagharap sa mga hate o bashings sa outside world.

"Nakakatuwa paglabas, hindi lang tayo, lahat ng housemates, iba talaga 'yung nabuong bond sa loob. Kaya kahit ano mang ingay na nangyari o gulo, hindi tayo masyado nagpapaaapekto talaga kasi alam naman natin sa ating lahat kung ano ang totoo sa atin 'di ba? Nakakatuwa na sobrang deep ng nabuo nating samahan sa loob ng Bahay ni Kuya," aniya.

Gayundin ang naging realization ni Mika Salamanca, na itinuring ang PDG bilang sandigan matapos ang kanyang karanasan sa PBB.

"I'm really glad I have you guys habang nandito ako sa labas kasi parang you guys kept me grounded," sabi niya.

"Sa loob talaga ng bahay guys, kami talaga 'yung laging magkakasama talaga. So parang for everyone to see that dito sa labas ng Bahay ni Kuya is really special. Kasi 'di talaga lahat nakikita sa loob. Kaya I'm really glad na 'yung PDG nakita n'yo and nadala namin sa labas ng bahay."

Mapapanood muli magkasama sina Klarisse De Guzman, Mika Salamanca, Esnyr, at Will Ashley sa The Secrets of Hotel 88, Monday to Friday, 9:35 p.m sa GMA Prime. Napapanood na rin ang late telecast nito sa GTV at sa Kapuso Stream.

Samantala, mapapanood si Shuvee Etrata sa bagong GMA series na The Master Cutter ngayong May!

Kilalanin ang Pamilya De Guzman sa gallery na ito: