GMA Logo Vince Maristela
What's Hot

Pamilya ng binatang tinakasan ng bait dahil sa pag-ibig, tinulungan ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published March 20, 2023 11:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Vince Maristela


Isang bagong simula ang hatid ng 'Wish Ko Lang' para sa pamilya ni Ryan na tinakasan ng bait dahil sa pag-ibig at nawalan din ng ina.

Nasaksihan sa Wish Ko Lang: Love Obsession noong Sabado ang malungkot na nangyari kay Ryan (Vince Maristela) na nasiraan ng bait matapos na iwan at lokohin ng kanyang nobyang si Ginnie (Cheska Fausto).

Dagdag na pagsubok din para sa pamilya ni Ryan ang biglaang pagkawala ni Merlita (Sue Prado), ina ni Ryan, matapos na atakihin ito sa puso nang sumugod ang mag-inang Ginnie at Alice (Ynez Veneracion) sa kanilang bahay.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang pagpapagamot kay Ryan at para bigyan sila ng pag-asa sa buhay, naghatid ng tulong ang Wish Ko Lang at ang Fairy Godmother na si Vicky Morales.

Kasama sa negosyo packages ang bigasan business, yema spread business, tapsilogan business, frozen meat business, dinnerware set, at clothing and bag business.

Bukod dito, may regalo ring bedroom showcase at bagong damit at sapatos para kay Ryan. Hindi rin mawawala ang Wish Ko Lang Savings, tulong na pinansyal ng programa para sa kanilang pamilya.

Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ang susunod na tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

MAS KILALANIN SI VINCE MARISTELA SA GALLERY NA ITO: