
Masayang ibinalita ngayon ng tinaguriang Soul Diva at Filipino singer na si Jaya na nakalipat na sila ng kanyang pamilya ng bagong tahanan ilang linggo matapos maiulat na nasunog ang halos kabuoan ng kanilang bahay sa Amerika.
Sa kanyang Instagram, nagpasalamat si Jaya sa lahat ng mga tumulong sa kanilang pamilya kalakip nito ang ilang mga larawan ng kanilang bagong tahanan.
"August 19 is our first day in our new home. Thank you to all of you who helped us through different ways. Your love, prayers, encouragement and those who gave from the heart, we will always lift you up in prayers. We will do a video soon. Thank you Lord for new beginnings," saad ni Jaya sa kanyang post.
Nag-react naman sa nasabing post ni Jaya ang ilan sa kanyang mga kaibigan sa showbiz na sina Gary Valenciano at Jackie Lou Blanco.
"God is good all the time!," saad ni Jackie Lou.
Hulyo noong nakaraang taon nang umalis si Jaya at ang kanyang buong pamilya sa Pilipinas upang manirahan na sa Amerika. Sa ngayon naman ay patuloy pa rin ang pagpe-perform ni Jaya sa mga kapwa niya Pinoy doon.
SAMANTALA, SILIPIN NAMAN ANG MGA BAHAY SA AMERIKA NG ILANG CELEBRITIES SA GALLERY NA ITO: