Celebrity Life

Pamilya ni Manny Pacquiao, nag-bonding sa paglalaba

By Marah Ruiz
Published April 20, 2020 1:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DOH on holiday health and emergency preparedness (Dec. 22, 2025) | GMA Integrated News
Cops foil delivery of suspected shabu, explosives in Ozamiz
Puto bumbong-inspired drink this Christmas

Article Inside Page


Showbiz News

jinkee pacquiao laundry vlog


Magkakasamang naglaba ang pamilya ni Manny Pacquiao bilang bonding habang naka-quarantine.

Bilang family bonding activity, tiniruan ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao ang kanilang mga anak kung paano maglaba.

Kasama ng mag-asawa ang kanilang mga anak na babaeng sina Mary at Queenie, na nagkusot ng ilang mga damit.

"Ngayon, ang gagawin namin is tuturuan namin 'yun mga girls kung paano ang tamang paglaba," pahayag ni Jinkee sa simula ng video.

Naglagay ang mag-anak ng mga planggana at maliliit na upuan sa kanilang likod-bahay at doon nagkusot ng ilang mga damit.

"'Pag naglaba ka, ingatan mo 'yung puti kasi baka may mga de color na damit magkupas. 'Pag may de color magkupas, mahahawahan itong puti. Ihiwalay ang puti sa de color," payo naman ni Manny.

Pasado ba ang maglalaba nina Mary at Queenie? Panoorin sa bagong vlog ni Jinkee.

Noong nakaraang linggo, ibinahagi din ni Jinkee sa isang vlog ang routine ng pamilya Pacquiao habang naka-quarantine sa bahay nila sa Makati.

LOOK: Manny and Jinkee Pacquiao's life while on home quarantine in Makati