GMA Logo Family Feud
What's on TV

Pamilya nina Donita Rose-Palad at Migui Moreno, magtatapat ngayong September 16

By Maine Aquino
Published September 16, 2025 11:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Legendary fashion designer Valentino Garavani passes away
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Kilalanin ang mga makakasama nina Donita Rose-Palad at Migui Moreno sa 'Family Feud.'

Reunion-competition ng dalawang alumni ng Friday group ng That's Entertainment! ang maghaharap sa Family Feud!

Ngayong September 16, aabangan sa Family Feud stage ang pamilya nina Donita Rose-Palad at Migui Moreno.

Tatayong leader ng Worship Warriors ang aktres, host, chef, evangelist, mom, and proud Pangasinense na si Donita. Makakasama ni Donita ang asawa niyang si Felson Palad, ang gospel recording artist na nagbalik sa bansa pagkatapos ng sampung taon.

Makakasama pa nila sa Worship Warriors si ang kapatid ni Felson na si Sheena Palad. Siya ay nagwagi ng gold and silver sa 2016 World Championship of Performing Arts (WCOPA) sa California. Maglalaro rin sa Family Feud ang boyfriend ni Sheena na si Johann Enriquez na naging bahagi ng Philippine Madrigal Singers at ng Fortenors sa Walang Tulugan with the Master Showman ni Kuya Germs.

Para naman sa Team Amore maglalaro si Migui, ang aktor na sumabak na rin sa theater and events styling/fabrication.

Makakasama ni Migui ang interior designer wife niyang si Miles, ang anak nilang si Raine na incumbent SK chairman at former candidate sa Miss World 2024, at ang anak nilang si Ash na student-entrepreneur at pickleball convert.

Exciting na tapatan at pagalingan sa pagsagot ng top answers sa Family Feud ang aabangan ngayong Martes, 5:40 p.m. sa GMA.

Subaybayan ang fresh episode ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000! Panoorin ito para sa paraan ng pagsali sa Guess More, Win More promo: