GMA Logo Liza Lorena at Melissa Mendez
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

Pamilya nina Liza Lorena at Melissa Mendez, may Friday showdown sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published July 17, 2026 10:46 AM PHT
Updated July 17, 2026 10:49 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: July 17, 2026
Public urged to be aware of signs of possible landslides
Diabetes fair brings accessible health education and wellness closer to the community

Article Inside Page


Showbiz News

Liza Lorena at Melissa Mendez


Narito ang mga makakasama nina Liza Lorena at Melissa Mendez sa 'Family Feud' ngayong July 17.

"More tawa, more saya kasama ang buong pamilya" ngayong Biyernes dahil maghaharap ang pamilya ng mga hinahangaang aktres sa industriya na sina Liza Lorena at Melissa Mendez.

Maglalaro ngayong July 17 ang pamilya ng multi-awarded actress na si Liza Lorena na may mahigit anim na dekadang career sa showbiz. Bago pa man siya naging isa sa mga pinakarespetadong aktres sa bansa, naging first runner-up din siya sa Binibining Pilipinas 1966.

Sa episode na ito ng Family Feud, ipinasa ni Liza ang pagiging team captain sa kanyang daughter-in-law na si Glydel Mercado. Siya ay kilala bilang isang accomplished actress na minsang nagwagi bilang Best Supporting Actress sa apat na major award-giving bodies sa loob ng isang taon.

Kasama rin sa Team Happy sina Gigi Feliciano, pamangkin ni Liza na mahilig magluto, magbasa, at manood ng action movies; at Andre Yoro, isang call center trainer at miyembro rin ng kanilang pamilya.

PHOTO SOURCE: Family Feud

Makakatapat nila ang Yap Family na pinangungunahan ng beteranang aktres na si Melissa Mendez. Si Melissa ay isa na ngayong proud lola na enjoy sa pagluluto, baking, at paglalaro ng pickleball kasama ang kanyang pamilya.

Kasama ni Melissa sa Family Feud stage ang kanyang anak na si Alex Yap, isang Sparkle artist at dating collegiate varsity swimmer; ang kapatid niyang si Merwyn Yap na nagtatrabaho sa larangan ng computer graphics; at ang pamangkin niyang si Kevin Hao.

Kaninong celebrity family ang magwawagi? Abangan ito sa fresh episode ng Family Feud ngayong July 17, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.