GMA Logo michael v covid19 positive
What's Hot

Panalangin para kay Michael V., bumuhos matapos kumpirmahing COVID-19 positive siya

By Aedrianne Acar
Published July 20, 2020 1:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

michael v covid19 positive


Agad na naging trending ang pangalan ni Michael V. sa social media dahil sa pagbuhos ng mga panalangin para sa kanyang paggaling mula sa COVID-19.

“I mean we've been through worse.”

Isa lamang ito sa mga nakaaantig na binitiwang salita ng award-winning comedian na si Michael V. matapos niyang ianunsyong tinamaan din siya ng COVID-19 sa kanyang vlog ngayon araw, July 20,

Kapuso comedian Michael V tests positive for COVID19

Source: Michael V. Instagram

Ayon kay Michael V., o mas kilala bilang bilang Bitoy, nakapagpa-test siya noong July 15.

Sa kabila ng pagsubok na kinakaharap niya, nagpapakatatag pa rin ang actor-director.

Aniya, “So BSS that's it. Positive, just as what we suspected early on. Alam kong hindi normal 'yung nawala 'yung pang-amoy ko and I was counting may kinalaman 'yun sa COVID.

“Pero I was also praying na sana wala, sana allergy lang or something. But it turns out yeah

“Itutuloy lang natin 'yung mga sinabi sa atin na mga kailangan gawin and we'll get through this.”

Michael V trends on Twitter

Kasunod ng paglabas ng kanyang vlog ay ang pagbuhos ng mga panalangin mula sa kanyang fans para sa agarang paggaling niya.

Ayon sa Tweet ni @Magssssss1, “Akala ko yoong thumbnail is something really positive but it wasn't. I was so speechless and emotional at the whole time watching the premier video of sir @michaelbitoygma. Grabe hindi ko inexpect na ganoon, and nakakapanibago kasi Sir Bitoy depicts the real meaning of.”

Narito ang ilang pang mensahe ng fans para kay Bitoy:

Michael V. admits he wasn't an Iron Man fan before in latest vlog

WATCH: Michael V., pinag-usapan ang isyu ng racism sa kanyang latest vlog

LOOK: Michael V ecstatic about GMA's much-awaited 'Voltes V Legacy' live adaptation