Celebrity Life

Pancho Magno on the possibility of portraying a gay role: “Why not?”

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated August 29, 2020 3:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Watching daughter's wedding led to Rafael Dumlao's arrest
Reticulated Python, Na-rescue sulod sa Brgy. Hall sa Pusok, Lapu-Lapu City | Balitang Bisdak
8 ways to shift to intentional living

Article Inside Page


Showbiz News



Very masculine talaga ang dating ng Kapuso hunk na si Pancho Magno. He has strong features and a scorching hot physique. What’s next for the My Husband’s Lover star? Anong mga klaseng roles ang gusto niyang gampanan in the future?

Very masculine talaga ang dating ng Kapuso hunk na si Pancho Magno. He has strong features and a scorching hot physique. What’s next for the My Husband’s Lover star? Anong mga klaseng roles ang gusto niyang gampanan in the future?

Masasabing phenomenal ang GMA Telebabad series na My Husband’s Lover. Magmula nang magsimula ito, trending ang series araw-araw sa Twitter, at magkakaroon pa ng concert ang cast nito on October 12 at the Big Dome.

Masaya ang Kapuso actor na si Pancho Magno na nasama siya sa cast bilang si Paul, ang 100 percent straight guy friend ni Lally (Carla Abellana), na may feelings din for her. Alpha male ang vibe ni Pancho, pero willing kaya siyang tumanggap ng gay role kapag may nag-offer sa kanya?

“Why not? Depende naman ‘yun sa script. Siyempre lahat, well ‘yung mga gusto kong actors, hindi lang dito, kahit sa States, lahat ginagawa. Doon mo nga makikita kung magaling ka talaga,” sagot niya.

Kung siya naman ang papipiliin, anong klaseng roles ang sa tingin niyang nababagay sa kanya?

“Basta action talaga. ‘Yung mga Vin Diesel type. Gusto ko ‘yung may mga sumasabog, ‘yung ganung feeling,” aniya.

Kapag wala siya sa harap ng camera, sports ang pinagkakaabalahan ni Pancho. Ano ang kanyang favorite sport?

“Basketball, sobra, at saka gym. Addict ako mag work out,” wika niya.

Mahilig din daw siyang manood ng sine. Pagbabahagi niya, “Gusto ko ‘yung mind-boggling movies, ‘yung sobrang daming twists. Ako, ganun ako eh, alam mo ‘yung huhulaan mo kung sino ‘yung killer? Siyempre, mahilig rin ako sa action movies and gusto ko ‘yung mga may robbery like Ocean’s Eleven, The Italian Job, ‘yung mga ganyan ang favorite ko. Sci-fi rin like Star Wars and Star Trek.”

Kasalukuyang napapanood si Pancho sa My Husband’s Lover. Abangan din siya sa One More Try: The My Husband’s Lover Concert na gaganapin sa October 12 sa Araneta Coliseum. -Text by Samantha Portillo, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com