
Sa episode 84 ng Kambal, Karibal, hindi napigilan ni Diego (Miguel Tanfelix) na isisi kay Cheska (Kyline Alcantara) ang pagkamatay ng kanyang lolo na si Dr. Emmanuel (Christopher De Leon).
Idiniin ni Raymond (Marvin Agustin) ang kanyang adopted daughter na siyang pumatay sa doktor para hindi siya masisi sa krimeng ginawa. Sa kasamaang palad, si Crisan (Bianca Umali) ang kasalukuyang nasa katawan ni Cheska kaya siya ang nagdudusa sa kasalanang hindi naman niya ginawa.
Labis ang pighati ni Diego dahil si Emmanuel ang tumayong father figure niya kaya galit na galit siya kay Cheska.
Balikan ang eksenang 'yan:
Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.
Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.
Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.