GMA Logo baet skit
PHOTO COURTESY: @baet_ekoeko (Instagram)
What's Hot

Pangalang 'Sharmaine,' bakit sikat online?

By Dianne Mariano
Published June 1, 2026 7:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Babaeng OFW at kaniyang ka-live in, pinatay sa saksak habang natutulog sa Pangasinan
Samal Island braces for rainy season
Left a lighter in your car? Your old habits could be a major fire hazard

Article Inside Page


Showbiz News

baet skit


Ang trending na “Sharmaine” craze ay nagsimula sa comedic skit ng Filipino content creator na si BAET.

Patok ngayon sa social media ang pangalang "Sharmaine" dahil sa nakatutuwang skit ng Pinoy content creator na si BAET.

Sa naturang skit ni BAET na in-upload sa TikTok, mapapanood siya bilang isang prutas na orange na nagrereklamo tungkol sa kanyang pangalan dahil tila hindi raw ito pinag-isipan.

“Naiinis naman ako 'te kasi parang hindi naman ako pinag-isipan. 'Di ba ikaw, ang pangalan mo ay mango, mango ka 'di ba? pero dilaw ka naman.

"Parang obvious naman kasi sa akin 'te na orange. Wala na bang ibang pangalan? Nakakaloka naman. Dapat kasi ginagawan nila ng paraan 'yang mga 'yan. Hindi 'yung tamad naman kasi gumawa ng pangalan,” ani ng orange sa kanyang kasamang mangga.

Dahil dito, tinanong ng mangga kung ano ba ang nais nitong maging pangalan at sinabi ng orange na gusto niyang matawag na “Sharmaine.”

Kasalukuyang mayroon itong mahigit five million views sa TikTok ang nasabing comedic skit.

@eko06004 Gawan yan ng paraan #fyp ♬ original sound - BAET

Kamakailan lamang ay nag-upload si BAET ng isa pang skit na may update tungkol kay “Sharmaine.”

Sa nasabing video, sinabi ng orange na hindi pa niya napanotaryo ang kanyang pangalan na Sharmaine at nagpatulong pa siya sa kasamang mangga na humanap ng abogado.

@eko06004 Update kay sharmaine #fyp ♬ original sound - BAET

Mayroong mahigit one million views ang naturang video sa TikTok.

Kinaaliwan ng netizens ang trending skits ni BAET online tungkol kay Sharmaine, na ito na rin ang kanilang tawag sa prutas na orange.

@ishaflyingpanda @BAET PINAKILALA KO NA PO AS SHARMAINE #Sharmaine #baet ♬ Comedy Corridor - Finley Reed

@wordsandsilence_ San sila dalahen kapag nanotaryo na sila at may hit sila sa NBI @BAET 🤭🤭 #sharmaine #sharmaineorange #baet #orangefruit #foryoupage ♬ Forest Melody - Chilwave

Related gallery: Kilalanin ang ilang content creators dito