
Ang mag-inang Lorna at Carnation ang mga bagong kinaiinisan ng viewers ngayon sa afternoon TV.
Ginagampanan ito nina Maricar De Mesa at Faith Da Silva, na mga kontrabida ni Kate Valdez sa GMA dramang Unica Hija.
Hindi lang sa ratings patok ang serye dahil usap-usapan din ito maging sa social media.
Matapos makakuha ng one million views ang isang episodic highlight ng Unica Hija kamakailan kung saan tampok si Faith, muling tumabo ng milyong views sa Facebook ang isang video ng programa.
Ang nasabing video ay mula sa episode ng Unica Hija noong December 8 kung saan napanood ang pagpapanggap ni Carnation bilang si Hope, ang human clone ni Bianca (Kate Valdez).
Ito ay matapos hanapin ni Diane (Katrina Halili) si Hope, na nag-alaga sa kanya sa resort noong siya ay bulag pa, sa kanilang bahay.
Nakumbinsi naman ni Carnation si Diane na siya si Hope. Kasabwat din ni Carnation ang nanay niyang si Lorna, na pilit na pinakupkop ang anak sa mayamang ginang.
Nangungulila kasi si Diane sa anak na si Bianca, kaya madali siyang naloko ng mag-ina.
Sa ngayon, may mahigit 2.2 million views na ang nasabing episodic highlights video sa Facebook page ng GMA Drama.
Panoorin:
Patuloy na subaybayan ang Unica Hija weekdays, 3:25 p.m., pagkatapos ng Abot-Kamay Na Pangarap sa GMA Afternoon Prime.
Ang livestreaming ng serye ay available sa GMANetwork.com, at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.
Kung ma-miss mo man ito, maaaring i-stream ang full episodes at episodic highlights ng Unica Hija at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.
TINGNAN ANG MASAYANG SET NG 'UNICA HIJA' SA GALLERY NA ITO: