What's Hot

PANOORIN: Huling performance ni Kim Idol

By Jansen Ramos
Published July 13, 2020 7:47 PM PHT
Updated July 13, 2020 9:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DHSUD includes high-density housing as option in 4PH Program
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Idol


Lumahok si Kim Idol sa benefit online show para sa anak ni Super Tekla noong July 7. Matapos ang mahigit 24 oras, naging kritikal ang kalagayan ni Kim nang pumutok ang kanyang ugat sa utak.

Masigla at tila walang iniindang sakit ang komedyanteng si Kim Idol nang mag-guest sa benefit online show para sa newborn baby ni Tekla na si Baby Angelo. Na-diagnose si Baby Angelo na may anorectal malformation.

Nangyari ang online show noong July 7, matapos ang mahigit 24 oras naging kritikal ang kalagayan ni Kim nang pumutok ang kanyang ugat sa utak. Pumanaw ang komedyante ngayong araw, July 13.

Sa fundraising show, naghatid-saya si Kim kasama si Boobsie, sa pamamagitan ng nakaka-aliw nilang comedy skit.

Nagbigay-pugay rin ang hosts ng programa na sina Boobay, Glaiza De Castro, at Kakai Bautista kay Kim dahil sa pagiging volunteer frontliner nito ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Sa katunayanay nasa Philippine Arena, na isang COVID-19 quarantine facility, noon si Kim nang ginanap ang online event.

Ayon kay Kim, mahigit 400 na ang nakasalamuha niyang COVID-19 positive patients, na kanyang pinapakain.

Bago magpaalam, nagbigay ng mensahe si Kim sa kanyang kaibigang si Tekla. Ika niya, "Tekla, lakasan mo ang loob mo. Ikaw din ang nagsabi sa akin no'ng isang gabi lang na bawal malungkot, kaya tama ang ginagawa mo. At, siyempre, hindi ka papabayaan ng mga taong nagmamahal sa 'yo, lalung-lalo na sa mga kasama mo sa Kapuso network. Malalagpasan natin 'to lahat."

Panoorin ang huling on-screen appearance at performance ni Kim bandang 1:24:00:

Bago ang pandemya, madalas magkaroon ng guest appearance si Kim sa ilang Kapuso shows gaya ng Wowowin, Sarap 'Di Ba, at Mars Pa More.

Noong 2015 unang ibinalita na mayroong rare medical condition si Kim, ang brain arteriovenous malformation (AVM) o ang pagkakabuhol-buhol ng mga ugat sa utak na nagpapahirap sa pagdaloy ng dugo rito.