GMA Logo Paolo Ballesteros Tikbalang
What's Hot

Paolo Ballesteros shows off his 'Tikbaklang walk'

By Jimboy Napoles
Published July 8, 2022 6:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Revilla posts P90K bail for graft case over alleged ghost flood control project
Dagan sa Panahon atong Sayran | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News

Paolo Ballesteros Tikbalang


Silipin ang bagong paandar na 'Tikbaklang Walk' ni Paolo Ballesteros, DITO:

Matapos umani ng papuri dahil sa kanyang malikhaing disenyo na 'tikbalang'-inspired national costume para sa Binibining Pilipinas candidate na si Graciella Lehmann, ipinakita naman ngayon ng Eat Bulaga host na si Paolo Ballesteros ang tinawag niyang "Tikbaklang Walk."

Sa Instagram, ipinost ni Paolo ang isang video kung saan makikita siyang rumarampa suot-suot ang ginawa niyang sapatos para sa nasabing national costume.

"Tikbaklang walk," simpleng caption ni Paolo.

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29)

Ang nasabing video ay agad na pinusuan ng kanyang kapwa Eat Bulaga hosts na sina Allan K at MJ Lastimosa.

Nag-komento rin ang ilan sa kanyang mga kaibigan sa showbiz na sina Angelika Dela Cruz at Diana Zubiri.

"Aaaayyyyy ang taaaraaayyyyy ng tikbalang walk," komento ni Angelika.

"BWAHAHAHAHAHA HANEP! Tabi tabi poooooo," reply naman ni Diana.

Samantala, naghahanda na rin ngayon ang Kapuso stars na sina Lala Vinzon at Herlene Budol para sa nalalapit na Binibining PIlipinas coronation night na gaganapin ngayong July 31.

Balikan naman ang ilan sa mga iconic transformation at fashion evolution ni Paolo sa gallery na ito: