
Mapapanood na ngayon sa Netflix ang pelikula nina Paolo Contis at Rhian Ramos na Ikaw at Ako.
Sa pelikulang ito ng VIVA Films, ginampanan nina Paolo at Rhian dito ang mga role ng mag-asawang plano nang maghiwalay matapos silang ikasal sa Amerika.
Bukod sa kanila, tampok din sa pelikula sina Boots Anson-Rodrigo at ang late veteran actor na si Ronaldo Valdez.
Mag-asawa rin ang role nina Boots at Ronaldo sa naturang pelikula.
Sa kasalukuyan, nasa ikaapat na puwesto ang Ikaw at Ako sa Top 10 Filipino Movies sa Netflix.
Samantala, parte rin ng cast nito sina Phoebe Walker, Andrew Gan, Marnie Lapus, Francis Mata, Gelo Galang, Cloud Ugayan, James Ignacio, at Fatima Mislang.
Ang pelikulang ito na sinimulang ipalabas noong December 2023 ay nabuo sa ilalim ng direksyon ni Direk Rechie Del Carmen.
SAMANTALA, TINGNAN SHOWBIZ MILESTONES NI PAOLO CONTIS DITO: