GMA Logo paolo contis
What's Hot

Paolo Contis thankful for not being a typical leading man

By Nherz Almo
Published November 30, 2023 5:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cabral's last hours before fatal fall captured by hotel CCTV footage
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

paolo contis


Ayon kay Paolo Contis, lagi niyang hinihiwalay ang personal niyang buhay sa tuwing may gagawin siyang acting project.

Lubos na nagpapasalamat si Paolo Contis dahil sa kabila ng mga intriga sa kanya ay nabibigyan pa rin siya ng mga oportunidad na maging bahagi ng mga pelikula.

Katulad na lamang ng bago niyang proyekto kasama si Rhian Ramos, ang Ikaw at Ako, na ipalalabas na sa mga sinehan simula Miyerkules, December 6.

Aminado si Paolo na malayo siya sa tipikal na sa leading man na nakasanayan nang panoorin ng mga Pilipino. Gayunman, masaya siya dahil nabibigyan na rin ng pagkakataon ang mga tulad niyang hindi nakatali sa love team.

“Honestly, siguro because of what we've accomplished sa Through Night and Day (2018) pati sa A Far Away Land (2021), nagkaroon ng kaunting opening na, 'Uy, pwede palang maging leading man ang mukhang gago, 'no?'” pahayag ni Paol nang tanungin kung bakit sa tingin niya effective siya bilang isang leading man sa romantic films.

Nakausap ng entertainment media si Paolo at iba pang cast ng Ikaw at Ako sa press conference nito noong Miyerkules, November 29.

Patuloy pa ng actor-TV host, “Kasi, I'm not your typical pa-cute na leading man, na may kailangang i-maintain na magandang imahe. 'Kailangan natin ng masamang leading man. Paolo.' You will never see me, at least, sa mga totoong rom-com na talagang pa-cutie-cutie. 'Yun talaga, alam ko na hindi ako talaga kukunin.

“So, I'm very thankful na more or less 'yung mga stories natin sa Philippine cinema ay mas malawak na, mas open na ang mga tao na 'di kailangan magka-love team para makagawa kayo ng pelikula together.

“All the film that I'm doing now iba-iba naman talaga 'yung partner. Ganun din naman 'yung ibang mga pelikula. Dahil dito, nagkaroon kami ng opening, not just me, 'di ba? Sina Jerald Napoles, Pepe Herrera… you know, now naging oras namin siya na, uy, minsan okay din pala maging leading man yung hindi masyadong ano basta okay ang pag-arte.

“It's chemistry, kumbaga. Madali kaming maano sa chemistry kasi, you know, we do our best para magkaroon ng chemistry. So, I think, suwerte ako doon.”

A post shared by VIVA Films (@viva_films)

Keeping it professional

Sa pelikulang Ikaw at Ako, ipapakita kung paano malalagpasan ng magkasintahan ang relasyon na maraming kasalanan.

Pabiro pang paglalarawan ni Paolo sa kanyang character, “Obviously, ako yung gumagawa nung kasalanan.”

Matatandaan na naging kontrobersyal ang mga huling relasyon ni Paolo, kaya hindi naiwasang matanong siya tungkol rito.

Tanong ng entertainment columnist na si Jun Lalin, “Saan ka mas naka-relate?”

Pakuwelang sagot ni Paolo, “Actually, pinagsasama-sama ko lang siya. 'Tapos, naisip ko na, 'Oh, so maraming beses na naghiwalayan kayo? You know, one for each sequence.'”

Naging seryoso naman siya nang tanungin kung sumasagi sa isip niya ang nakaraan habang ginagawa ang isang eksena.

“Never kong naisip,” sabi ng Eat Bulaga host.

“Kahit anong trabahong ginawa ko, laging, para sa akin, hiwalay ang personal sa professional na trabaho. So, regardless if I'm going through something, I'm paid to work. Kung ano 'yung hinihingi sa akin ni Direk, ibibigay ko 'yun. Never. Sa kahit anong ginawa ko, never ko siyang inisip.”

Bagamat may pagkakataong naaalala niya habang ginagawa ang eksena, sinisigurado raw ni Paolo na ihiwalay pa rin ang kanyang personal na buhay sa trabaho.

Aniya, “Well, to be honest, I try my best not to. However, minsan, kapag may eksena kami ni Rhian, nag-uusap. Siyempre, mayroon kang mga familiar words ka rin na sinabi at maaalala mo rin yun. It actually helps you with the scene.

“Pero at the end of the day, never kong pinapasok 'yung personal. Kasi, 'yung personal kapag pinasok mo 'yan sa trabaho, doon nababaliw yung ibang mga artista, doon sila nahihirapang makawala. So, kung ano yung role, hangga't maaari, ako lang 'yun. Pero it helps, of course.”

TINGNAN ANG ILANG CAREER MILESTONES NI PAOLO CONTIS DITO:

Samantala, pinatunayan naman ni Rhian ang pagiging propesyunal ni Paolo sa set ng Ikaw at Ako.

Nang tanungin kung bakit effective na leading man si Paolo, sagot ni Rhian, “Di ko rin po gets, e. I think, from what I've seen through the years, when I worked with Paolo or see him even in various sets, he has a vulnerability about him that fearlessly shows, I think, only when he's acting. I never see it when I talk to him in real life.

“Yung vibe ko sa kanya is very tough, but feeling ko, doon niya nalalabas sa eksena, doon ko nakikita. Kasi, when you see him in real life, he's very caring, he takes care of everyone on the set, everyone around him, not naman anyone specifically, pero ganun siya sa lahat. I can see he's a very good friend, he's kind to people.

“I think that's what the X factor is--there's your idea of what you think this façade is and there's vulnerability that always comes through.”