
Sa unang pagkakataon, magtatambal sina Paolo Contis at Yen Santos sa big screen.
A Faroe Way Land ang titulo ng pagbibidahan nilang pelikula na iprinodyus ng Mavx Productions.
Sa kanyang Instagram account, ipinasilip ni Paolo ang isang eksena nila ni Yen na kuha sa Faroe Islands sa Denmak kamakailan. Nico at Mahjoy ang pangalan ng kanilang mga karakter.
Ipinost naman ni Yen ang magagandang tanawin doon.
Samantala, mapapanood ang behind-the-scenes video ng A Faroe Way Land sa YouTube channel ng Mavx Productions.
Bukod sa A Faroe Way Land, bumida rin Paolo sa 2018 Mavx Productions film na Through Night and Day kasama si Alessandra De Rossi. Co-produced ang pelikula ng OctoArts Films at Viva Films.
Naging hit ang Through Night and Day matapos ang Netflix premiere nito noong Hulyo.