
Para kay Paolo Contis, dapat binibigyan ng halaga ng couple ang pagpapasensya sa kanilang relasyon.
Ito ay kanyang ikinuwento nang siya ay maging guest ni Vaness del Moral sa kanilang online show na Just In.
Ayon kay Paolo, lahat ng relasyon ay magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan kaya dapat umanong maging mapagpapasensya ang isa't isa.
"Very important. Pasasaan ba at magkakaroon kayo ng disagreement ng partner mo. Always."
"Especially kung matagal na kayo, magkakaroon ng ibang views kayong dalawa eventually."
Dagdag pa ni Paolo ang pagmamahal sa tao ay dapat may kasama laging pasensya. Mahalaga rin daw magkaroon ang bawat isa nito dahil hindi naman parepareho ang lahat ng tao.
"Patience is very important. Kung mahal mo ang tao, you'll be very patient with them. Hindi lang 'to sa relasyon, sa lahat, sa mga tao. Importante ang pasensya. Kasi hindi naman lahat maaaring kasing talino mo, hindi lahat maaaring kasing understanding mo. Iba-iba tayo ng isip."
"Patience at saka pakikisama ang para sa akin ang pinakaimportante lalo sa isang relasyon, marunong ka makisama at may pasensya ka."
Ibinahagi rin ni Paolo na bilib siya sa pagiging pasensyosa ni LJ Reyes sa kanya.
"Sobra! Isipin mo kung araw-araw mo kong kasama? Sa ugali kong 'to na kung ano ano'ng ginagawa ko!
"Ako I'm very lucky na sobrang patient ni LJ sa akin."