
Inamin ni Paolo Contis na naiisip niyang mag-break muna sa social media.
Ito ay ikinuwento ni Paolo sa ginanap na online press conference para sa ikalawang season ng online shows ng GMA Artist Center na Just In, E-Date Mo Si Idol, at Quiz Beh!
Ayon kay Paolo, gusto niya itong gawin ngunit hindi pa sa ngayon dahil ito umano ang isa sa kanilang paraan para magkaroon ng trabaho.
"Sa ngayon wala pang luxury to do it kasi somehow kasi ito 'yung help namin siyempre to get work."
Dugtong ni Paolo, "Pero given a choice, to be honest, oo. Medyo toxic na siya e somehow. I can't say it doesn't help us kasi malaki pa rin tulong pa rin ang social media sa amin to promote pero it's becoming a place of hate, naiintindihan ko yung i-criticize mo ako pero minsan magki-criticize ka ng bata? I do not get it and I do not approve."