GMA Logo Paolo Contis
Celebrity Life

Paolo Contis, intentional ang pagbabawas ang timbang

By Maine Aquino
Published September 4, 2020 11:24 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Paolo Contis


Paolo Contis sa pagbabawas ng timbang: "...Nahihirapan na ako magtali ng sapatos e." Read more:

Ibinahagi ni Paolo Contis ang kanyang naranasang hirap sa pagbabawas ng timbang.

Kuwento ni Paolo sa kanilang online presscon para sa GMA Artist Center YouTube channel shows karaniwan na sa kanya na mag-diet kapag may pinaghahandaang proyekto.

Paolo Contis

"Ang hirap! Ako kasi 'pag may trabaho lang, saka lang ako magdiyeta. Kasi gusto ko mag-enjoy."

Inamin ni Paolo na ngayong quarantine, nakita niya ang epekto ng kanyang timbang sa kanyang gawain.

"Siyempre ngayong quarantine, kumakain ka na nga, 'di ka pa gumagalaw. So habang lumalaki ka, nagmamanas ka. 'Yung paa ko nagmanas e. Sabi ko sandali kailangan ko na ata at medyo may hingal na."

Ang ginagawang diet umano ngayon ni Paolo ay juicing kung saan sa isang buong linggo ay isang araw lang siya kakain.

"So far I'm happy with my juicing. Ano ako e, six days na juice, one day na break."

Dagdag pa niya ay nageehersisyo na rin siya ngayon.

Biro ni Paolo, "Naglalakad lakad na at jogging na ako sa village. Para ano na rin, nahihirapan na ako magtali ng sapatos e."

Nilinaw naman ng Kapuso actor na ang goal niya sa pagbabawas ng timbang ay para palakasin ang kanyang immune system.

"It's the health more than the physical, weight, and everything. Mas gusto ko siyempre healthy. Siyempre malaking panlaban mo 'yan sa sakit, sa COVID, 'di ba?"

LOOK: Paolo Contis spends time with stroke survivor mom

Paolo Contis gives a hilarious twist to unboxing videos