
Muling magbabalik sa pagho-host ng Just In ang Kapuso star na si Paolo Contis ngayong 2023.
"HE'S BACK!" Ayon sa teaser post ng Sparkle GMA Artist Center.
Saad pa ng Sparkle GMA Artist Center, isang exciting na bagong season ng Just In ang dapat tutukan.
"Paolo Contis' #JustIn is back for a new season kaya naman get ready for more more chikahan, kwentuhan, at tawanan."
Dugtong pa sa teaser ay makakasama ni Paolo sa kuwentuhan ang ilan sa mga biggest stars.
"You wouldn't wanna miss Just In's season premiere where he will have a sit down with one of today's biggest stars."
Abangan ang nalalapit na pagsisimula ng Just In, soon!