GMA Logo Kim de Leon
Source: kimmdeleon_ (IG) and paolo_contis (IG)
What's on TV

Paolo Contis, may hamon sa bagong Kababol na si Kim de Leon

By Aedrianne Acar
Published May 17, 2022 3:28 PM PHT
Updated May 18, 2022 10:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Kim de Leon


'StarStruck' heartthrob Kim de Leon, isa sa mga bagong mukha na aabangan sa relaunch ng 'Bubble Gang' this coming May 27!

Mas lalong magniningning ang showbiz career ng StarStruck Ultimate Male Survivor na si Kim de Leon matapos ipakilala bilang bagong cast members ng longest-running gag show na Bubble Gang nito lamang Biyernes, May 13.

Makakasama rin ni Kim bilang new Kababol sina Faith da Silva, Korean YouTuber-dancer Dasuri Choi at seasoned comedienne na si Tuesday Vargas. Ito ay ilan lamang sa big changes na dapat abangan ng fans ng flagship GMA-7 gag show para sa kanilang upcoming relaunch sa May 27.

Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com kay Kim bago ang online media conference ng Bubble Gang last week, kita sa mukha ng Kapuso actor na big opportunity ito para sa kaniya.

Pasasalamat niya sa team behind ng Bubble Gang, “I just want to thank Bubble Gang family, kasi ako rin po matagal ko na gusto mapabilang or mag-guest pa lang sa Bubble Gang, which is natupad naman po 'yun.”

Ikinuwento rin niya na paborito niyang character sa gag show si Cecilio Sasuman played by Michael V.

“Isa pa po idol na idol ko si Kuya Bitoy ever since, sino dapat titihin ['yung Cecilio Sasuman sketch], I think 'yun po 'yung oldest naaalala na parang 'yung first ko na napanood ko na sobrang tawang-tawa ako, kami ng kuya ko dati, tandang-tanda ko pa nun.” ani Kim.

Ibinahagi rin ng Sparkle heartthrob na malaki ang natanggap niyang suporta sa isa sa long-time cast member ng Bubble Gang na si Paolo Contis na nagsilbing "mentor" niya sa ilang project na pinagsamahan nila.

Pagbibida ni Kim tungkol Pao, “Siguro po nakatulong din po 'yung pagkakasama po namin ni Kuya Pao [Paolo Contis], comedy segment namin sa All-Out Sundays, kasi doon pa lang po natutuwa na ako, kasi sobrang ang bait niya sa akin.

“Gina-guide niya ako kung paano 'yung mga ganiyan, ganito.”

“And parang naalala ko, sinabi ko sa kaniya, 'Kuya Pao, baka naman Bubble Gang oh.'

“Parang gusto ko rin ma-experience po noon. Noong una, parang sabi niya sa akin. Naba-bataan daw sa akin or parang masyadong mabait or what, sabi ko, 'turuan mo ako hindi maging mabait.' [laughs]”

Natatawa rin binalikan ang hamon sa kaniya ni Paolo nang malaman na official Kababol na siya.

Nakangiti sinabi ni Kim sa GMANetwork.com, “Though nung nakapasok na po ako dito, though may pagbabanta siya sa akin na hanggang three months lang daw ako. [laughs]”

A post shared by Kim De Leon (@kimmdeleon_)

“I will try my best na patunayan sa kaniya na mali siya.”

Dagdag niya, “Pero kidding aside sobrang thankful po ako, nandito po ako ngayon at lahat po ng ipagagawa nila sa akin. I will try my best to do it and to be better at it.”

Nauna naman sinabi ng multi-awarded comedian na si Michael V. na tumatayo rin creative director ng Bubble Gang na isa mga improvement na makikita ng viewers in the succeeding days ay magfi-feature sila ng ilan sa mga sikat social media stars tulad ng nauna na nilang nai-guest na si Lottie Bie.

Paliwanag ni Direk Michael, “Hindi naman porke na-establish na namin 'yung sarili namin as a comedy show, e, wala ng room for improvement,”

“Kasi kagaya nga nung binanggit niya [Cecille de Guzman] nag-iiba 'yung platforms, e. Kung gusto natin mag-grow talaga, dapat i-explore natin 'yung mga platforms na 'yun. That's exactly what we do.”

Bukod sa Bubble Gang, napapanood din si Kim de Leon sa online show niya sa YouLOL na The Cray Crew with Abdul Raman, Allen Ansay, at Radson Flores.