Article Inside Page
Showbiz News
Kuwento ni Paolo Contis, walang masyadong nakanood ng kanilang pelikulang 'Through Night and Day' noong 2018 kaya't maaga itong na-pull out sa mga sinehan.
Diretsuhang inamin ni Paolo Contis ang kanyang panghihinayang na hindi pumatok ang Through Night and Day noong 2018. Ito ay kanyang ibinahagi sa online blogcon niya nitong July 21.
Taong 2018 nang inilabas sa big screen ang kanyang proyekto kung saan naging magkatambal sila ni Alessandra de Rossi. 2020 naman nang maging hit ito sa manonood dahil inilabas ito sa Netflix.
Saad ni Paolo, "Oo, sobra."
"It's not even the kita ng pelikula. Pareho kami ni ano (Alessandra), co-producers kami. It's not even that. It's that we know we made a good film. Nanghinayang ako kasi walang masyadong nakanood."
Kuwento pa ni Paolo ang maagang pagka-pull out ng pelikula sa sinehan.
"If I'm not mistaken after mga 3 days or 4 days na hindi ka ganon kalakas, napu-pull out ka na. So minsan yung word of mouth papalakas palang wala na, Actually nagkaroon pa kami ng second wave e. If I'm not mistaken after a month lumabas kami ulit. Mas kumita pa yata 'yun nung time na 'yun if I'm not mistaken.
"Sayang. Sayang." dugtong ng Kapuso actor.
Kahit may panghihinayang ay natutuwa umano si Paolo dahil sa
magandang feedback ng kanilang pelikula nang mapanood nila ito online.
"Ako sabi ko nga ito mas natutuwa ako ngayon. Oo wala kaming kinikita dito sa dami ng nanonood ngayon sa Netflix pero 'yun naman 'yung point; Mapanood nila 'to and hopefully the next time you do something, mas gugustuhin na nilang mas panoorin ka sa sine."
Nakikita umano niya itong magandang oportunidad na i-prove ang sarili para suportahan sa susunod niyang proyekto.
"For me this is a
big opportunity to prove na next time gumawa si Paolo ng movie, nood tayo! or any Filipino film for that matter."
Paolo Contis and DJ Loonyo's TikTok duet of "Through Night and Day" song
Paolo Contis gets emotional as he returns to work