
Pinag-usapan online kahapon, January 18, ang throwback photo ng Bubble Gang comedian na si Paolo Contis kung saan makikita ang kanyang chiseled body.
Kung matatandaan, dating rumampa ang long-time partner ni LJ Reyes sa Cosmo Bachelor Bash noong taong 2008.
Sa Instagram post ni Pao, humirit ito sa kanyang topless photo at sinabing, “MONDAY MOTIVATION 15 years ago to! Eto ngayon ang tanong ko...
1. Kaya ko pa ba 'to ibalik??
2. Gusto ko pa bang pahirapan ang sarili ko para ibalik 'to???”
Napa-react naman ang mga kaibigan ni Pao sa kanyang sexy throwback photo tulad ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Sabi niya, “Hello to giniling nanaman brader? Haha”
Sagot ng Kapuso comedian, “Haha those were the days brader. 'Di ko na yata kaya!”
Pabirong comment naman ni LJ Reyes, “Hala kuya pasok sa kwarto!!!!”
Sa panayam ni Paolo Contis sa 24 Oras last October 2020, proud siya sa na-achieve niya at nakapagbawas na siya ng 30 lbs. mula sa kanyang timbang.
Kuwento niya na malaking bagay ang ginawa niya na tutukan ang kanyang pangangatawan, dahil marami siya nakuhang benefits.
Aniya, “It's not really the weight I lose but the life I gain.”
“It's true para sa akin. Napunta na ako sa point na pagtakbo ni Summer nang ikatlong hakbang, ayoko nang sumama, e. Hindi puwedeng ganun.
“Kailangan nakakahabol na ako. Ngayon, I eat better, I sleep better, I stopped drinking.”
Mapapansin din sa mga recent Instagram post ni Paolo na malaki na ang ipinayat nito.
Bagama't naapektuhan man ang trabaho ng Kapuso actor noong 2020 dahil sa COVID-19 pandemic ay marami pa rin magagandang nangyari sa career nito.
Ang kanyang pelikula na Through Night and Day kung saan katambal niya si Alessandra de Rossi ay naging top popular Filipino film sa steaming site na Netflix.
Gumawa rin ng pelikula si Paolo kung saan kasama niya ang aktres na si Yen Santos sa A Faroe Way Land na kinunan pa sa bansang Denmark.
Naipamalas din niya ang husay sa pag-arte sa drama-anthology na I Can See You, kung saan tampok siya sa istorya ng “The Promise.'
Naka-trabaho dito ni Pao sina Andrea Torres, Benjamin Alves, Yasmien Kurdi, at Maey Bautista. Kinunan ang mga eksena ng "The Promise" sa Caliraya sa Cavinti, Laguna.
Patuloy din ang pamamayagpag ng mga shows niya tulad na lang ng flagship gag show na Bubble Gang at All-Out Sundays.