GMA Logo Paolo Contis
What's Hot

Paolo Contis open to getting married someday but on one condition

By Kristian Eric Javier
Published May 31, 2023 1:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Travelers head out for Christmas break
Holiday exodus in W. Visayas, Negros Occ starts
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Paolo Contis


Kahit gustong magpakasal balang araw, nagbigay si Paolo Contis ng isang kondisyon sa sarili bago niya ito abutin.

Inamin ng Bubble Gang comedian at Just In host na si Paolo Contis na gusto pa rin niya magpakasal balang araw. Pero bago mangyari 'yun, mayroong isang kondisyon ang aktor para sa sarili, at iyon ay ang ayusin muna ang kanyang buhay at ang mga nakaraang relasyon niya.

Sa interview niya sa Updated with Nelson Canlas podcast, tinanong si Paolo kung siya ba ay “the marrying kind” at ang sagot ng aktor, “Alam mo, maraminng nagsasabi sa akin [na] hindi. Pero alam mo, oo. Ako, of course I do, of course I do.”

“I want that day to come na kumbaga, dumating siya sa akin. Pero before that happens, I want to fix everything, everything...in all aspects of my life. I want to fix my relationships sa lahat, sa lahat ng aspeto,” sabi ng aktor.

Dagdag pa nito, “Sa mga nakaaway ko, sa mga anak ko, lahat 'yun. Kapag lahat 'yun hindi maayos, tingin ko never akong magiging buo enough para maging maayos na asawa.”

Sinabi rin ni Paolo na importante para sa kanya na maayos ang relasyon niya sa mga nanay ng mga anak niya--kina dating EB Babe dancer na si Lian Paz, at ang kaka-engage lang na si LJ Reyes.

“Part 'yan ng buhay mo na hindi ito 'yung mga ex na wala lang, hindi ito mga ex na petty-petty, na puppy-puppy love na 'I can't be friends with you,' no,” sabi ng aktor.

Dagdag pa nito, “'Yung mga taong may kinalaman sa akin, feeling ko lahat 'yan kailangan maayos before I actually move forward.”

“Sa edad ko, hindi na 'yun puwedeng pabayaan at this time. Regardless, kung ano mangyari, it has to be fixed for me to become a whole person. Feeling ko only that time ako magiging fully ready [magpakasal].”

Kasalukuyang nasa isang relasyon si Paolo sa aktres na si Yen Santos.

SAMANTALA, TIGNAN ANG MGA NAGING CAREER MILESTONES NI PAOLO DITO: