GMA Logo Paolo Contis
What's Hot

Paolo Contis sa kaniyang buhay ngayon: 'Hopefully I don't have to sacrifice anything anymore'

By Jimboy Napoles
Published June 30, 2023 2:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

8 Filipinos who brought glory to the Philippines in 2025
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Paolo Contis


Inamin ni Paolo Contis na marami na rin siyang nasakripisyo sa kaniyang buhay at hiling niya na hindi na ito masundan pa.

Sandaling naging seryoso ang actor-comedian at Eat Bulaga host na si Paolo Contis sa premiere night kamakailan ng kaniyang bagong pelikula na Ang Pangarap Kong Oskars nang mapag-usapan ang tungkol sa mga naging sakripisyo niya upang maabot ang pangarap sa buhay.

Sa nasabing event, game na humarap sa press si Paolo kasama ang iba pang cast ng pelikula na sina Joross Gamboa, Faye Lorenzo, Kate Alejandrino, at direktor na si Jules Katanyag.

Dahil ang tema ng pelikula ay pag-abot sa pangarap na “Oskar” award, tinanong ng press sina Paolo kung ano ang kaya nilang isakripisyo pagdating sa kanilang pangarap.

Sagot naman ni Paolo,” Ako, parang masyado nang maraming nasakripisyo sa buhay ko para sa mga bagay-bagay.”

Ayon sa aktor, sadyang marami na siyang pinagdaanan sa buhay kung saan marami na rin siyang nasakripisyo at ngayon na nagsisimula siyang muli, hiling niya na sana ay hindi na masundan ang mga sakripisyong ito.

Aniya, “Seriously speaking, there are a lot of things na regardless if it is a dream or not, sometimes may mga nasasakripisyo, regardless if you are doing it on purpose or not.

“Hopefully, ako, marami akong pangarap pa, marami pa akong gustong gawin sa buhay and hopefully I don't have to sacrifice anything anymore.”

Dagdag pa niya, “I think I'm on that stage in my life that I've done enough wrong and I've done enough sacrificing. Dapat from this time on, dire-diretsong maayos na 'yung ginagawa natin with regard to myself and the people around me.”

Aminado naman si Paolo na marami rin siyang pinagsisihang mga nagawa niya noon sa kaniyang buhay pero pinili niyang magpatuloy at maging mas mabuting tao.

“Of course, regrets are normal pero you cannot live with regrets you just have to move on and be a better person,” ani Paolo.

“So better person ka na ngayon?” sundot na tanong naman ng press.

“Trying…” mabilis na sagot ni Paolo.

Samantala, ang kuwento ng Ang Pangarap Kong Oskars ay tungkol sa magkaibigan na sina Bobby B (Paolo Contis), isang ambisyosong producer, at DMZ (Joross Gamboa) na isa namang weirdo na direktor. Ang kanilang pangarap na makatanggap ng “Oskar” award ang magdadala sa kanila sa isang maaksyon, at nakakakilabot na paggawa ng pelikula.

BALIKAN ANG NAGING CAREER MILESTONES NI PAOLO CONTIS SA GALLERY NA ITO: