
Umani si Paolo Valenciano ng mga matinding negative reactions sa social media mula sa A'TIN, ang fans ng sikat na P-Pop group na SB19, matapos siyang mag-post sa kanyang Instagram story ng suhestiyon na magkaroon ng collaboration ang SB19 at BINI.
Sa isang pahayag sa social media, ibinahagi ng concert director-producer na nabuo ang ideya ng 'collab' habang sila ay magkasama ng kanyang brother-in-law na si Chris Lopez, na kilala rin bilang si 'Moophs'. Si Chris ang producer ng BINI at si Paolo naman ang live director ng SB19.
Paliwanag ni Direk Paolo, “Chris and I are together every weekend and we always get excited everytime either of us have a major achievement. That night, we were just talking about the recent shows that I worked on and also BINI's recent release 'First Luv' which was witten by my sister, Kianna. And we just said: 'Can you imagine if they did a collab?'”
Binanggit din ni Paolo na siya ay na-excite lamang ng gabing iyon dahil sa kalasingan kaya siya napa-post sa social media. Sabi pa niya: “It was that simple, no malicious intent."
Ayon sa mga fans, ang kanilang pagkadismaya sa post ni Paolo ay nakaugat sa matagal nang umiiral na 'fan wars' sa pagitan ng ilang miyembro ng A'TIN at ng kabilang fandom, ang Blooms.
"Hindi ko alam ang lalim ng fan wars ninyo," pag-amin ni Direk Paolo.
Ipinaliwanag niya na walang masamang intensyon ang kanyang post at ang tanging layunin nila ay makita ang dalawang grupong nagtutulungan para sa ikagaganda ng P-Pop industry.
Sa kabila nito, sinabi ni Paolo na hinihiling pa rin niya isang araw ay magkaroon ng "healing" sa pagitan ng dalawang fan bases.
Related Gallery: OPM Con 2025: A musical spectacle like no other