GMA Logo Papa Dudut at Papa Obet
What's on TV

Papa Dudut at Papa Obet, may love advice kina Aiai Delas Alas at Bea Alonzo

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 1, 2025 7:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Papa Dudut at Papa Obet


Ano kaya ang maipapayo nina Papa Dudut at Papa Obet kina Aiai Delas Alas at Bea Alonzo na nakipaghiwalay sa kani-kanilang partners noong 2024?

Mayroong love advice ang mga batikang DJ ng Barangay LS Forever na sina Papa Obet at Papa Dudut sa ilang celebrities ngayong 2025.

Sa guesting ng dalawa sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong bagong taon, tinanong ni Tito Boy Abunda kung ano ang maipapayo nina Papa Obet at Papa Dudut.

Unang-una sa artistang binanggit ni Tito Boy ay si Aiai Delas Alas na inaming hiwalay na sila ni Gerald Sibayan matapos mag-fail ang kanilang IVF.

“Regarding sa gustong magkaanak, pareho kami ng pinagdaanan. I undergo IVF, e,” panimula ni Papa Dudut.

“So, gustong-gusto ko kasi magka-baby din, ang hirap, sa side nung lalaki 'no, ang hirap kasing sabihin ko na hindi valid reason pero kung hindi siya sinuwerte sa kanyang napangasawang huli, e, hindi ka swerte sa lalaki, try mo kaya sa babae, Ms. Aiai,” pagbibiro ni Papa Dudut.

Dagdag niya, “Si Ms. Aiai kasi ano siya e, strong 'yung personality niya, e. Upon seeing the interview, parang kaya niya, nagawa niya before, e. Ang dami ng hiwalayan before na napagtagumpayan naman niya, e. I believe makakayanan niya.”

Segunda ni Papa Obet, “Para sa akin, like sinabi ni Papa Dudut, marami na siyang napagdaanan, and lahat naman 'yun nalagpasan niya. Keep going lang, kung ano 'yung makakapagpaligaya sa kanya. Kung kinakailangan niya maghanap ulit ng bago, at doon siya magiging masaya, go ahead.”

Pangalawang artista na binaggit ni Tito Boy ay si Bea Alonzo. Naghiwalay si Bea at fiancé niyang si Dominic Roque taong 2024.

Ani Papa Dudut, “For Bea, magtanim ka nang magtanim sa farm kasi ang ganda nung farm niya, Tito Boy. I-enjoy mo lang 'yung time mo with your mother, mag-vlog ka pa nang mag-vlog para mag-enjoy ka. And, darating ang para sa 'yo.”

Dagdag ni Papa Obet, “Darating talaga 'yung para sa kanya. Sa ngayon siguro, mag-enjoy muna siya sa ginagawa niya, and I think, parang last year, may lumabas, na-post something na may kasama siyang lalaki. For me, that's good for her. Sige lang, gawin mo lang 'yung gusto mo. Kung kinakailangan mong makipag-date, makipag-date ka lang, as long as magiging masaya ka lang.”

Ano naman kaya ang masasabi nina Papa Obet at Papa Dudut kina Kyline Alcantara at Kobe Paras?

Pagbibiro ni Papa Dudut, “Si Kobe, mag-basketball ka na uli kasi parang nababalitaan ko, sobrang busy na magkasama sila palagi. Pero, ganun talaga, kapag bagong relasyon, talagang gusto mo you spend time with her. Masaya kami para sa 'yo, and be happy with Kyline.”

Dagdag naman ni Papa Obet, “Sa akin ano, 'wag masyadong showy kasi 'pag maraming nakakaalam, maraming nakikialam.”