
Handa na ba kayong marinig muli ang mga kuwentong pag-ibig na puno ng plot twist at kilig?
Muling mapapanood ang paboritong radio host at Pambansang Storyteller na si Papa Dudut () sa radio drama anthology na Barangay Love Stories.
Ngayong nasa TV naman ang forever, iba't ibang kuwento ng pag-ibig na hango sa tunay na karanasan ng mga Pilipino ang magbibigay-inspirasyon sa mga manonood.
Hanggang ngayon, nananatiling No. 1 FM radio show at podcast ang Barangay Love Stories.
Abangan ang Barangay Love Stories simula ngayong September 12 tuwing 4 p.m. sa GMA.
RELATED GALLERY: Barangay Love Stories receives special recognition from Spotify