GMA Logo parokya ni edgar new album
What's Hot

Parokya ni Edgar, maglalabas ng bagong album sa Nobyembre

By Jimboy Napoles
Published September 27, 2021 7:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH cancels opening of Davao City road project
Lee Victor, Iñigo Jose express admiration for Caprice Cayetano: 'She's like an angel'
BTS's Jin brings cocktail collab into the spotlight at fan event

Article Inside Page


Showbiz News

parokya ni edgar new album


Matapos ang limang taon, maglalabas na ng bagong album ang bandang Parokya ni Edgar sa Nobyembre. Iyan ang nakatutuwang anunsyo ng kanilang frontman na si Chito Miranda.

Masayang ibinalita ni Chito Miranda na maglalabas na ng bagong album ang kanilang bandang Parokya ni Edgar matapos ang limang taon na pagpapahinga.

“Biking mag-isa pa-ikot-ikot sa village, tamang muni-muni lang habang sinasoundtrip yung bago naming album.” pambungad na caption ni Chito.

“Sobrang excited ko sa bagong album ng Parokya. Sobrang trip ko yung mga bago naming kanta. Sobrang masaya din ako sa mga nasulat ko, at sobrang saya ko din sa mga nasulat ng mga kabanda ko.” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Chito, matagal na raw nakatengga ang album pero wala pa silang konkretong plano noon kung kailan ito matatapos at ilalabas hanggang sa bigla silang ginanahan na tapusin na ito.

“Honestly, before this, parang tinamad na ko magsulat...for 5yrs nakatiwangwang lang yung album, with no definite plans kung kelan matatapos at kung kelan ito ilalabas (well...ganun naman kasi talaga kami eh hehe!) at sa totoo, kahit nagsusulat pa rin ako (with other artists and para sa mga TVCs), wala akong paki kung matapos man yung album namin o hindi.

"Tapos ngayon, bigla kaming ginanahan tapusin, at kinagagalak kong sabihin na maglalabas kami ng bagong album by November” kwento niya.

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)

Sa post na ito may simple pero sweet na comment naman ang asawa ni Chito na si Neri Naig.

“Pogi mo” ani Neri na agad naman sinagot ni Chito “@mrsnerimiranda patay na patay a.”


source: chitomirandajr (Instagram)

Taong 1996 unang makilala ang Parokya Ni Edgar. Ang kanilang mga awitin ay mabilis na minahal ng masa at naging parte na ng buhay ng maraming Pilipino lalo na ng mga Batang '90s.

Ang kanilang hulling album na Pogi Years Old ay inilabas taong 2016. Nakasama naman ang banda sa listahan ng top OPM artists on Spotify nitong nakaraang taon.

Samantala, tingnan ang controversial pino band breakups dito: