GMA Logo
What's Hot

PasaLord Prayer Movement: Isang minuto para sa Panginoon sa February 6

Published February 5, 2020 6:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

ICC prosecutor Khan says his suspension violated procedures
Bacolod fortifies borders vs ASF
Pinoy energy electrifies '&FRIENDS Festival 2026'

Article Inside Page


Showbiz News



Makiisa sa isang synchronized interfaith prayer sa February 6 kasama ang ilang religious groups, sangay ng gobyerno, pati na rin ang private sector.

Napapanahon daw ayon kay PasaLord Prayer Movement Founder, Nanay Bing Pimentel ang gaganaping synchronized interfaith prayer ngayong February 6, 12:00 noon sa buong Pilipinas.

"It is the need of the time. Nakikita po natin ang napakaraming pangyayari--may man-made, may natural na calamities na kailangan po nating ipagdasal," pahayag ni Nanay Bing.

Kaya naman hinihikayat niya at ng PasaLord Prayer Movement na magkaisa ang buong bansa sa pagdarasal para sa kapayapaan sa February 6, 12:00 noon.

"We are appealing to everyone. We have a synchronized interfaith national prayer for peace and reconciliation on February 6, at exactly 12:00 noon. Thursday po iyan. Sana po tayo pong lahat ay magkaisa at bigyan po natin ng isang minuto ang panginoon. One minute for God. Isang minuto para sa Diyos," ani Nanay Bing.

"Magkakaisa ang buong Pilipinas na magdadasal at hihilingin na tayo ay bantayan, kaawaan at bigyan ng proteksiyon sa lahat ng mga nakikita nating karahasan o mga destructive influences nga na sinasabi," dagdag pa niya.

Maaaring magdasal kung saan ka man naroroon. Makikita ang kopya ng panalangin sa www.pasalord.org o sa Facebook account ng PasaLord Movement. Available din ito sa English, Filipino, Cebuano and Hiligaynon.

PasaLord: Synchronized interfaith prayer on February 6

GMA Network supports the PasaLord Movement