
Limang taon lamang si Patricia Coma noong una siyang lumabas sa telebisyon bilang child star.
Noong 2011, naging parte ang Sparkle teen actress ng GMA series na Daldalita kung saan nakasama niya si Jillian Ward.
Ngayon, patuloy na mapapanood si Patricia bilang si Nicole Acosta sa hit GMA Telebabad series na First Lady.
Sa isang press interview, ibinahagi ni Patricia ang isa sa mga pangarap niya bilang Kapuso, at ito ay ang makatrabaho ang False Positive actress na si Glaiza De Castro.
"Si Ms. Glaiza De Castro po. I just really like her kasi I've seen her acting videos, and she's so elegant and pretty. Parang ang saya niya pong makasama," pagbabahagi ni Patricia.
Subaybayan si Patricia sa First Lady, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad.
Samantala, mas kilalanin pa si Sparkle teen actress Patricia Coma sa gallery na ito: